Tag Archives: review

In review – 2011

Eto ang TO DO LIST 2011 ko. Tignan natin kung ano mga nagawa ko at mga hindi ko nagawa.

1) 50k stable. – palpak. napakagastos ko, hindi ako nakapagipon kahit piso. max out pa ang credit card ko.

2) Detoxify. – check. na-detoxify ako ng pagtakbo. hindi ko na kailangan ng gamot at iba pang mga supplements para dito.

3) Kausapin either si Armin o si Vic. FSC – palpak. no oras. hindi ko binigyan ng effort.

4) Get a haircut. – DONE. eto link: click

5) Bagong posisyon sa trabaho. – WALA. backoffice pa rin ako at mas maliit ang sweldo. sayang at hindi ako nakalipat ng trabaho o na-promote.

6) Fly with you. – hindi rin nangyari. at hindi rin siya mangyayari next year.

7) Run at least 3 events. – CHECK. CHECK. CHECK. andami ko natakbuhan at napasali pa ako sa team na Southern Treaders. tuluy tuloy pa ang pagtakbo ko hanggang this year.

8) Opisina para sa alumni. – Hindi nangyari. para ngang hindi ko na gusto hawakan pa ang alumni.

9) Swimming party para sa family. – waaaa. wala rin. pero may swimming pool naman noong Awesome Sangalang Christmas 2011. consider ko na yun. CHECK na lang to.

So, 4 out of 9. Need ko reviewhin ang priorities ko this 2012. O di kaya naman, babaan ko ang standards ko sa sarili ko.

Iwanan na natin ang 2011. Palpak ako sa priorities pero.

Di bale na at 4 out of 9 lang ako, pero dahil sa Diwata, perfect na ang buhay ko.

year 2010 in review

Dalawang tulog na lang, tapos na ang 2010. Isang taon na naman ang nakalipas. Maraming nangyari sa buhay ko. Yung first half ng taon ay sobrang saya. Hindi lang maganda ang tapos pero overall, it was a very good experience. Although, hindi ko maire-rekomenda para sa inyo ang buhay ko. Baka hindi ninyo kayanin.

Ayoko na isa-isahin pa ang nangyari. Dalawang bagay lang ang naging remarkable. Una ay yung nagpalit ako ng status sa facebook. Pangalawa e yung nabaril ako ng holdaper. Hindi ko alam kung parehong good news, parehong bad news, o yung isa ay good at yung isa naman ay bad. Ito lang ang sure ako: lahat ng tao ay minsang nagpapalit din ng facebook status, pero hindi lahat ng tao ay nakaka-recover sa tama ng bala.

Balikan na lang natin ang To Do List ko noong 2010. Update ko na rin para makita natin kung successful ako for the year.

2010 TO DO LIST

1) Makakuha ng Driver’s License. – DONE

2) Mas kumita pa ng mas maraming pera kumpara sa 2009. – CHECK

3) Makabili ng laptop or mabuo yung isa pang desktop PC sa bahay. – DONE. Hello Qarla

4) Makapagpa-stable ng aking Savings Account na at least 50k ang laman. =) – Ouch, wala ako neto.

5) Makapag detoxify ng body.. ahahaha. – nakalimutan ko ata.

6) Makapunta sa Boracay or sa Bohol. – Boracay! Ayus!

7) Makapagpa-party para sa High School Alumni namin. – Kung hindi pa ko nabaril, di ko pa to nagawa.

So as a whole, meron akong score na 5 out of 7. Not a bad number pero mas ok sana kung lahat ay nagawa ko. Minor fail lang naman ang detoxification ng katawan. Spa lang ang katapat nun. Pero yun 50k; pagtitipid ata ang solusyon.

Half of me regrets living in 2010. Kung pwede lang sana, tapusin na natin ang kwento noong birthday ko. Pero ganun talaga e. Di bale na. May mga nangyari na sobrang dami kong aral na napulot.

Wish ko lang, everything will be better by 2011.