Tag Archives: rio

Ikakasal Na Si Coach Rio

Ikinasal na yung iba kong friends. Nag-commentator pa nga ako dun sa isa e. Yung isa ko pang pinsan, ikakasal sa January. Yung Coach ko sa Southern Treaders na si Running Ade, kinasal na rin. Yung teammate ko na si Kuya Pedro, ikakasal na rin.

Lahat sila kinasal/ikakasal na. Sumabay pa tong si Coach Rio.

Eto pruweba:

Coach Rio Engaged

 

Kung Hindi pa sapat yan, eto pa isang proof:

Tadhana: Coach Rio’s Engagement Proposal Video. from Ian Celis on Vimeo.

 

Sino na kaya kasunod?

Coach Spoelstra leads August 7 NBA FIT Air 21 Run

Sabi na nga ba e. (Sabi na nga ba e)
Ramdam ko. (Ramdam ko)

Ahaha. Tatakbo rin ako sa NBA Fit Run pero 10k lang siguro. Injured pa kasi ako e.

August 7, 2011. Mark your calendars. This will be the day that 2 Great Coaches with Filipino blood will join forces; Coach Spoelstra ng Miami Heat sa NBA at Coach Rio ng Runrio Philippine running community.

NBA Fit

Ang layon ng 2-week NBA Fit program ay para ma-promote ang importance ng healthy living para sa mga Pilipino. Dumarami na ang pagkain na nakaka-cancer. Mas napapadalas pa ang laro sa computer kesa sa mga laro sa kalsada na nakakapudpod ng tsinelas.

Starting point will be at 7th Avenue while end point will be at 9th Avenue.

four race categories : 3k, 5k, 10k and 21k.

05:00 21K Begins               – 05:20 10K Begins               – 05:40 5K Begins               – 05:50 3K Begins


Para makapag register sa NBA Fit – Air 21 Run. Pwede kang pumunta sa RunRio website. Yung mga masisipag at may oras na magliwaliw, sa mga Sports Stores kagaya ng ROX sa Boni High Street at Planet Sports.

Kita kits tayo sa race track!

* * * * * * *

Eto Nga pala ang karagdagang Schedule ng NBA Fit sa Pilipinas.

  • Torres High School – Aug 4
  • Araneta Coliseum (NBA Fit Celebrity Challenge) – Aug 5
  • SM Mall of Asia – Aug 6
  • The Fort, Bonifacio Global City – Aug 7
  • SM Mall of Asia – Aug 7

Run United 1 2011

Ang hirap maghanap ng parking. ahaha. Dumating ako 2 minutes before gun start ng 10k. Pero siyempre, hanap pa ko ng parking. Nakapwesto naman si Pilot ng maayos malapit dun sa starting line.

Eto ang pangalawang takbo ko for this year. 2/3 na ako sa task 7 ng TO DO LIST. ahahaha!

So nagsuot ako ng sapatos, lakad papuntang starting line. Pumutok na ang baril, nagtakbuhan na ang mga tao. Nagkabit pa ko ng DTAG (First time ko gumamit ng ganun). At nag stretching. 4 minutes na ang nakakalipas, saka lang ako dumaan sa sensors.

So takbo, pacing. Hanap ng mage-energize. Wala, pacing. Hanap ulit. Wala pa rin. Iba pacing ng mga chiks sa pacing ko. Nakakainis.

Meron ata ako sinabayan pero 1.5kms lang. Nag-iba kasi pacing niya e. So iniwanan ko na.

Natapos ko nga ang karera, wala man lang akong chicks. Frustrating. Hehe. Meron sana kaso hindi ko na kinausap. May pasok kasi ako ng 9am. Maliligo pa ako sa office.

Eto na lang nga proof ng pagtakbo ko:

Onti na lang, sub-60 na. Pero sa susunod na practice run, extend ko ang running time ng 20 minutes pa. Para ganahan.

Hanggang sa susunod na takbo. Teka, Next WEEK na yun. RAT RACE. Zonta Girls. Sure ako maraming sophisticated na chicks dun.