Tag Archives: roller coaster

Memory Miyerkules S2: Ingay Ng Enchanted Kingdom

Kung follower ka talaga ng blog ko, malamang alam mo na na sa Dominican College Sta.Rosa ako nag elementary.

About 17 years ago nang sinimulang buksan ang Enchanted Kingdom. Ang pinakasikat na rides doon ay ang Wheel of Fate, Anchor’s Away, at Space Shuttle. Wala pang 400 meters ang layo ng aming school sa number 1 Theme Park sa Pilipinas.

Enchanted Kingdom

kinuha ko sa Geemiz.com ang picture.

Kaya naman pag medyo bored na ako sa kaka-explain ng teacher ko sa addition at subtraction (dahil na rin slow ang iba kong kaklase at hindi nila gets yung concept), dumudungaw na lang ako sa bintana para tignan ang perfect circle na Wheel of Fate.

Hindi everyday bukas ang Enchanted Kingdom. Tuwing Thursday hanggang Sunday lang sila nago-operate kaya hindi parating umiikot ang higanteng tsubibo.

Tsubibo ang Tagalog term ng Ferris Wheel, kung hindi mo alam.

Kung eye candy para sa akin ang Wheel of Fate, ear candy naman ang mga taong nagtitilian pag umandar na ang Space Shuttle. Pano ba naman, ibibitin ka nila ng mga 30 seconds paakyat bago bitawan ang shuttle at pabayaan kayong magpa-ikot ikot sa track. Parang ang bituka mo ay binubuhol kapag ganun.

Kung hindi mo alam, Space Shuttle ang brand name ng roller coaster sa Enchanted Kingdom.

Masaya pakinggan ang sigawan na ito. Sandali lang naman kasi ang Top Of The Lungs na pagtili ng mga dalagita at nagpapanggap na dalagita kaya ayos lang. Ini-imagine ko na lang minsan na ako rin ay sasakay doon.

So far, kada balik ko sa Enchanted Kingdom, nakaka sampung beses na rin akong sumakay dun. Hindi exaggerated ang number na ito.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.