Tag Archives: Ron Rabadon

Birthday Wishlist 2014

Na caught off guard ako nung huling nandito sa bahay sina Bong. Paalis kasi sila, papunta sa mall, at tinanong nila kung ano ang gusto ko para sa birthday ko. 9 days to go na lang bago mag Keep Calm pero sa totoo lang, I am not expecting gifts.

Para sa akin kasi, PRESENCE over Presents.

wishlist 2014

wishlist 2014

Napipilitan tuloy akong mag-isip, or humingi. Yung isang agent ko rin sa office, nagtatanong din sa akin kung anong gusto kong regalo.

Kaya ngayon, gagawa na lang din ako ng Wish list. Sayang naman, baka may extra silang pwedeng i-share sa akin. Tutal, sagot ko na naman lahat sa birthday ko, might as well, kapalan ko na ang mukha ko.

Una, like mo muna to sa FB:

OK, game. WISHLIST Na Tayo:

  1. Hammock galing sa hammock republic. Like them on FB. 1k lang ata ang isa. Gusto ko ng ganito para kapag pupupunta ako sa beach, pwede akong magsabit na lang ng hammock at dun na matulog. Not particular about the color, pero mas ok pag matingkad na green. https://www.facebook.com/hammockrepublic

    hammock republic

    hammock republic

  2. Extend Pa cake. Yung Rectangle ang size. Ayoko ng Bilog. Ang gusto kong nakasulat sa birthday cake ko, if ever, ay EXTEND PA; dahil masarap mabuhay. Ayoko makakita ng salitang Birthday. Arte lang. Nakita ko lang din ang concept sa FB.
  3. G-Shock. Hindi ako mahilig sa relo, actually. Sira nga ang relo ko ngayon, yung nabili ko lang sa bangketa sa Tutuban night market. Yung relo ko din na galing Aegis, hindi ko makita. Pero kung magkakaroon ako ng relo, G-Shock na. Pwede niyo bilhin kay Ron Rabadon. https://www.facebook.com/ron.rabadon?fref=ts

    G shock

    G shock

  4. Donation para sa Gift In Kind Foundation. Kung ayaw ninyo ako bigyan ng regalo, pwede na sa akin na mag-donate kayo para sa outreach program ng GIKF. We have been doing this for the past 7-8 years na at ang kaunti ninyong tulong ay makakaabot ng ligaya para sa isang buong eskwelahan sa Zambales. https://www.facebook.com/GiftInKind

    GIKF 2013

    GIKF 2013

  5. Sign Up sa TravelFactor.org. Kung ang susunod na trip mo ay sa Travel Factor, automatic na ako ang maga-assist sayo. Sign Up na sa next UBBE Caramoan or CONQUER Pulag.
  6. Tumatanggap din ako ng mga usual na regalo. Small kapag T-Shirt or polo. Medium kapag briefs. Sports socks, shorts, pwede na sakin yun. Pwede rin naman na mga malalaki like DSLR or Flat Screen TV. Ok na din ang mga panyo, sumbrero, shades. Bahala na kayo. Pero ang sabi ko nga, PRESENCE is more important than Presents.

Ayan, Wishlist na yan. Pag may magtatanong pa, dito ko na lang din iri-refer. 9 days to go na lang KeepCalm na. Excited na sila!

Travel Factor Coordinator Ron Rabadon Will Climb Mt Pulag For The 50th TIME

#GoldenClimb
Mar 1-2, 2014
Travel Factor

Mount Pulag (or sometimes Mount Pulog) is the third highest mountain in the Philippines. It is Luzon’s highest peak at 2,922 meters above sea level. The borders between the provinces of Benguet, Ifugao, and Nueva Vizcaya meet at the mountain’s peak. (from Wikipedia)

Ron Pulag 50

Ron Pulag 50

Nakakatuwa lang na sa pang-50 na pagkakataon, aakyat ng Mt Pulag si Ron habang ako, never pa akong nakatuntong doon.

Nakakasama ko siya kapag may mga HQ Night, interview for new applicants, at training trips ang Travel Factor. Ambilis lang din ng panahon at pang singkwentang pag-akyat na pala niya ito.

Mabait si Ron. Maalagain sa mga kasama. Matalino at magaling makipagkapwa. Maayos siyang makitungo sa kapwa niya coordinators at sa mga participants. Magaling siya magluto at mag-prepare ng mga pagkain. Macho at malakas ang pangangatawan. Kaunti na lang, matatapatan na niya ang kagwapuhan ko. Kung gugustuhin niya, maaari siyang mapabilang sa mga Kampeon Ng Pag-ibig.

Master Pulag Ron pitching

Master Pulag Ron pitching

Kung susumahin, siya ang aming Master Pulag. Tinanghal siyang Coordinator of the Year ng Travel Factor noong 2012.

May girlfriend ata siya ngayon sa pagkakaalam ko.

Iniimbitahan niya tayona samahan siya sa kanyang Golden Climb to Mt Pulag sa March 1-2. Biyahen Victory yun. Marami pang slots. Hinding hindi kayo magsisisi kung siya ang magiging coordinator ninyo. Kung ako nga ay kukuha ng Mt. Pulag trip para mag-assist, gugustuhin ko na siya ang mag-lead. Iba ang ma-train ng isang Master Pulag.

Kung gusto ninyo mag-sign up sa climb, click lang sa LINK NA TO.

ITINERARY
Day 0
Assembly time at 09:00PMDay 1
Arrival in Baguio
Arrival in Ranger Station, Lunch
Start of the trek
ETA at the campsite
Overnight at Mt. PulagDay 2
Wake up early
Start with the Summit Assault
Sunrise watching
Breakfast
Start of the trek down
Arrival in Ranger Station. Wash-up
Arrival in Baguio
Depart Baguio to Manila

Day 3
ETA Manila around 03:00 AM

INCLUSIONS
RT Bus Transfers: Manila-Baguio-Manila via Victory Liner
RT Jeep Transfers: Baguio-Ranger Station-Baguio
Included Meals: Day 1 – Lunch, Dinner; Day 2 – Breakfast, Lunch
All Guide and Conservation Fees (Mt. Pulag National Park)
1N Tent Accommodation
Travel Insurance
Travel Factor ID and Tshirt
Byaheng Victory souvenir
 

Darating din ang araw, maaabot ko rin ang mga naabot mo. Kahit isang beses lang.