Tag Archives: ROTC

Memory Miyerkules S2: Matuto Kang Sumunod – COCC

COCC – Cadet Officers Candidate Course.

Hindi ko alam kung may ganitong programa pa rin sa High School. Malamang wala na, dahil wala na ring High School program ngayon. K-12 na ang format ng mga paaralan sa Pilipinas at hindi ko alam kung may High School pa.

Ang COCC ay ang programa para maging officer ka sa CAT. Military training ito ng mga high school students. Ang katumbas nito sa College ay ROTC.

Noong second year HS ako, nasa COCC program ako. Para sa final interview namin bago maging officers, kailangan namin harapin ang commandant at sumunod sa isang mabilis na drill bago ang one on one interview.

Hindi ako mabilis kabahan, at sa pagkakataong iyon, ganun pa rin ang disposition ko. Kaunti lang kasi kaming nasa programa at isa rin ako sa mga elite. Malaki ang kumpyansa kong makakuha ng magandang posisyon.

We are all aiming for the same spot; which is Corps Commander.

Nang ako na ang tinawag, humarap ako sa aming Commandant na nakataas ang ulo, chest out, stomach in, 45 degrees, in attention.

Kagaya ng dati, nakaupo ng diretso ang aming Commandant. Maitim ang kanyang skin na alam mong nabilad talaga sa araw sa dami ng kanyang trainings at rescue operations. Malaki ang butas ng ilong niya na alam mong kayang suminghot ng popcorn. Kahit na inaantok ang mga mata, sa isang bilang lang ay kaya niya itong imulat para ikaw ay masindak.

Kung makaharap ko siya sa giyera at tinitigan niya ako ng kanyang signature Tiger-look, hindi ko maipuputok ang rifle ko.

Binigyan niya ako ng instructions; tumalikod, liko sa kanan, kanan, tumalikod, kaliwa, kaliwa, hinto. Madali lang kung mabilis ang pickup mo.

At ginawa ko naman. Kung hindi mo naiintindihan ang programa, kung wala kang alam kung bakit mo ito ginagawa, kung hindi mo alam kung ano ang inyong ipinaglalaban, magmumukha kang katawa-tawa.

Pero dahil alam ko kung ano ang gusto ko, alam ko kung ano ang makukuha ko, alam ko kung bakit namin ito ginagawa, sinunod ko ang utos.

Tumalikod, NA!
Pasulong, KAD!
Kaliwang panig, NA!
Kaliwang panig, NA!
(so on and so forth)

Matapos ang mini-drill, hinanda ko ang stomach ko na walang panama sa laki ng tyan ng commandant. Tinitigan ko ang kanyang Tiger-look ng sarili kong version ng Eagle-eye. Itinaas ko ang noo na parang walang kinatatakutan. Inayos ko ang tindig na parang sasayaw.

Isang taon ko itong pinagsanayan. Kalahati ng buhay ko itong pinangarap. Handa na ako sa unang tanong!