Tag Archives: running

Bakit Ka Ba Tumatakbo?

“Enjoy siya, lalo pag kasama ang barkada!” – squadgoals president
“Para ma-spot natin ang race bib ng mga chicks” – babaerong runner
“To become healthy” – sagot ng friend natin na overweight
“Dahil hinahabol ako ng pulis” – pag snatcher ang tinanong.

“Ayoko na maiwan ulit” – pag Kampeon Ng Pagibig
“To live longer and enjoy the company of my daughter” – Dingdong Dantes
“I want to partake my knowledge, and inspire our first Gold Medal Olympian” – Coach Rio.

Marami tayong kanya-kanyang mga hugot sa pagtakbo. May kanya-kanya tayong dahilan, but we all come together para sa isang goal… ang makalagpas sa Finish Line.

Kampeon Ng Pagibig for Runrio Trilogy 2017

Kampeon Ng Pagibig for Runrio Trilogy 2017

Promking, ang ikalima sa mga KnP with Afroman Coach Rio

Promking, ang ikalima sa mga KnP with Afroman Coach Rio

This is what the Run Rio Trilogy is all about. It creates space, a venue, a fiesta, a gathering specifically for running. This is its 7th year of THE Trilogy, and it’s legs will be named after their longest distances; namely 21k, Afroman 32k, and Philippine Marathon 42k.

Mahaba ba? Nakakapagod ba? Di mo ba kaya? 

Simulan mo na ang pagtakbo. May cutoff yan! Yung start and finish line, nasa Okada Manila. Mag-check in ka na rin dun.

Did I mention, Adidas is one of the partners? Di pa ba?

Na-mention ko na rin ba na ang Race Shirt ay tatak Adidas? Di niyo pa alam? Promise, ang ganda ng pagka-blue niya. Parang yung suot ko lang kanina.

Pero alam ninyo, may ishe-share ako sa inyo… Medyo juicy.

Promise! Mabaog!

Bago yan, tignan muna natin ang poster ng Runrio Trilogy, at mag-decide tayo kung anong distance ang tatakbuhin ninyo.

RunRio Trilogy 2017 Registration Fees

RunRio Trilogy 2017 Registration Fees

Game na? Eto na…

Continue reading

Coach Jay Valencia On Natural Running

Ang swerte ko naman at naka-attend ako ng isang maikling talk tungkol sa Natural Running. Nagsalita tungkol sa topic ang malupit na Newton Running Coach na si Coach Jay Valencia.

Hindi naman bago ang konsepto. Actually, binigyan lang ng tamang definition kung paano tumatakbo ang mga bata. Naaalala ko pa noon kung gaano ako kabilis tumakbo pag naglalaro kami ng Ice-Ice-Water, Moro-moro at mataya-taya.

Coach Jay

Coach Jay

Basically, good posture ang puhunan sa Natural Running. Hindi naman sa dapat conscious ka sa ginagawa, dapat lang pinababayaan mo ang natural movement ng muscles na magrelax at contract.

Eto ang basic points na napulot ko mula sa talk ni Coach Jay Valencia:

  • Everything is aligned
  • Athletic Knee Bend
  • Lock Loose Muscles
  • Lean Forward = Move Forward. Lean Back = Move Back.

I need to put the theories to the test. Lalo pa ngayon at meron na akong Newton Sun Visor. Add me on FB para makita mo ang Sun Visor ko.

 

Pero ngayon, beach muna dahil birthday ng KampeonNgPagibig#1.

* Maraming salamat Coach Jay Valencia.

Ikakasal Na Si Coach Rio

Ikinasal na yung iba kong friends. Nag-commentator pa nga ako dun sa isa e. Yung isa ko pang pinsan, ikakasal sa January. Yung Coach ko sa Southern Treaders na si Running Ade, kinasal na rin. Yung teammate ko na si Kuya Pedro, ikakasal na rin.

Lahat sila kinasal/ikakasal na. Sumabay pa tong si Coach Rio.

Eto pruweba:

Coach Rio Engaged

 

Kung Hindi pa sapat yan, eto pa isang proof:

Tadhana: Coach Rio’s Engagement Proposal Video. from Ian Celis on Vimeo.

 

Sino na kaya kasunod?

Tumakbo kasama si Thelma

January this year nang nagsimula akong tumakbong muli. Ang pangarap ko kasi, hindi na ako maabutan pa ng bala. Kung matagal ka nang nagbabasa ng blog ko, alam mo na nahabol ako ng bala ng isang holdaper.

Medyo sumisikat na nga ngayon ag sport na running. Hindi lang ako ang nakakapansin nun. Pati ang movie industry, naglabas na rin ng pelikula tungkol sa pagtakbo.

Bilang isang runner, gusto ko mapanuod ang pelikula. Oo, crush ko si Maja Salvador at gusto ko ang pagtakbo; two birds in one stone to!

Nagulat nga ako nung nakita ko na dumaan sa harap ko si Maja noong nasa Megamall ako. Premier night pala nung movie yun. Showing na ata sa halos lahat ng sinehan. Nagyayaya na nga ang Southern Treaders na manuod.

Thelma

 

Eto na lang ang trailer. Takbo na sa pinakamalapit na sinehan para mapanuod.

http://youtu.be/Y1oGnYihAHo

 

* Hindi ako titigil.