Tag Archives: samsung

Logo Quiz Sa Samsung Phone

Tanghaling tapat, sa harap ng karendirya ni Germaine, tatlong lalaki na nakasando at isang babae na mahilig ngumiti ang nag-uusap ang nilapitan ng inyong lingkod. Nasa lilim silang lahat at nakapalibot sa isang Samsung Phone na nakabukas ang Logo Quiz na app.

Logo Quiz

Logo Quiz

Nagyoyosi ako at umiinom ng paborito kong Buko Juice.

buy modafinil russia Boy 1 (hawak ang celphone): Eto pare, logo to ng Johnnie Walker.

http://midequalitygroup.co.uk/tag/week Boy 2 (patango na sumagot): Oo tama.

Boy 3 (tatango rin): …

Boy 1: Kaso pare, ayaw tanggapin. Sigurado ako na Johnnie Walker to.

Boy 2: Patingin nga. Kulang kasi ang ang letters mo!

Girl : Tignane mo, 7 letters ang unang word. Kulang ka ng isa. J-O-H-N-N-Y. Dapat 7, SIX lang yang nilalagay mo.

Boy 3: Ako na nga! (sabay kuha sa Samsung Phone) J-O-H-N-N-E-Y. Ayan, 7 letters.

Boy 2: Ayos na?!

Boy 3: Ayaw tanggapin, pre. Baka hindi Johnny Walker yang logo na yan.

Boy 1: Gago! Alam ko yan! May baston na naglalakad na matanda! Parang daddy long legs. Johnny Walker Yan!

Girl : Tatanga ninyo! (sabay lingon sa akin) Kuya, ano ba spelling nito?

AKO: Paki-try nga yang J-O-H-N-N-I-E.

Boy 3: J-O-H-N-N-I-E .. Ayun! pumasok! Ang galing mo kuya.

Girl : Syempre, Taga Aegis yan e. (sabay turo sa ID lace ko_)

UP Pep Squad Wins Samsung Cheerdance Competition 2012

This is for the third straight year. Pang walong cheerdance championship na nila to overall. Talo pa nila si Adam Levine dahil sila ay Maroon8 !!!

Hindi na ako nagulat. Magaling naman kasi talaga ang UP Pep Squad. Kagaya ng kanilang claim, sila ang nagse-set ng trend sa UAAP Cheerdance competition.

Yung fiesta performance nila, ginaya ng UST this year.

Jed Ramos ‏@psychojed Didn’t even looked like the Carnaval,UST! It looked like Fiesta sa Sampaloc!

Yung blondie na buhok naman, na alam natin na ginamit ng UP last year for their Madonna routine, ginawa naman ng UE ngayon.

Aileesa Lim ‏@Aileesa The UE Pep Squad’s blond ‘dos are kinda unoriginal. UP already did that last year, right? @john14175

Kaya naman ang ginawa ng UP ngayon e sobrang original. Lahat sila; boys and girls, naka semi-kalbo / kalbo / skinhead. Minimalist din ang uniform. Basta yung routine nila, sobrang astig. Yung huling stunt lang ang nagka-problema pero hindi naman naka-apekto sa performance.

Marami na ang magshi-share ng video ng performance nila kaya hindi ko na yun ilalagay dito, pero it is worth to watch their exhibition video matapos ang awarding ceremonies. Patunay na magaling talaga ang UP Pep Squad:

Sigurado ako, next year, may manggagaya na naman.

Congrats UP – Champions.
FEU – 1st runner up
NU – 2nd runner up

TV5 shooting sa bahay namin

Usapan sa hapag kainan. Kakatapos lang ng shooting sa bahay. 10pm sila nagsimula, 7am sila natapos. Pagod na pagod ang mga crew. Pack up na sila nung magising ako.

Ako: Gaano po ba katagal dito magshu-shooting sa bahay? Nakakadalawang araw na sila a.

Mommy: The show will run daw ng 6 months e. Kung may mga eksena na kailangan ang bahay, magshu-shooting sila.

Ako: So hindi sure yun? Baka every week, andito sila?

Mommy: Oo, parang ganun na nga.

Daddy: Bayad naman tayo e. Kahit na kapalit ay puyat. Isang araw lang naman sa isang linggo maximum.

Ako: Ano bang palabas yun? Bat puro mga bata ang artista?

Mommy: BAGETS. Remake daw. Pero this time, series. Yung lumang BAGETS kasi, pelikula yun.

Ako: Di ko pa ata mapapanuod yang series na yan. Wala kasi tayong magandang TV.

Mommy: Maganda naman ang TV naten a.

Ako: Mas maganda kasi kung yung TV ay LCD o LED. Yung FLAT SCREEN. Yung pwedeng pang-3d, at compatible pa sa 3d sounds!

Mommy: Taas mo naman mangarap, pwede na yung TV dyan.

Daddy: Pero tama nga naman yun. Minsan mo lang din makikita ang bahay naten sa TV, bat hindi pa sa magandang TV…

Ako: At ginawa pang props yung mga medal ko.

Mommy: Achiever din daw kasi yung role ni AJ, siya yung kapatid ni Aga Muhlach.

Ako: A kaya pala magkahawig sila, pero mas gwapo naman ako dun.

Mommy: Sige na, ikaw na naman ang bida!

 

mommy with some female cast of BAGETS

 

BAGETS will air on TV5 this coming May 7 (tentative pa ata). Every Saturday.

 

PLANS for my 25th Birthday

Experiential blogger ako. As much as possible, hanggat hindi ko pa nae-experience ang isang bagay, hindi ko pa siya isusulat. At kahit pa ma-experience ko, kung wala naman “dating”, tinatamad din ako sa pagsusulat nun experience.

Pero kung hindi ko pa isusulat ang mga plano ko for my 25th birthday, baka mawala lang sa isip ko at makalimutan ko na.

I will break my silence until the day of my birthday.

Siguro, kung napuruhan ako ng holdaper, hindi na ako makakapag-celebrate ng Silver Birthday ko. Pero hindi e. Masamang damo tayo. Sabi ko nga,

Hindi pa gawa ang bala na makapagpapatigil ng pagtibok nito.

Given na swerte ako at dapat ako magpa-party, gagawin kong engrande ang aking 25th birthday celebration. Pasasalamat na rin ito dahil buhay pa tayo. The weekend before May 31. Most probably, Saturday gaganapin. Ayoko ng Friday at hindi rin pwedeng Sunday.

Sasabog na ako pag hindi ko pa sinulat ang mga gusto ko mangyari sa birthday ko ngayong taon. Araw-araw ko iniisip ang plano na to at makakalimutan ko siya kapag hindi ko isusulat. Sayang ang ideas.

Eto ang mga plano ko.

  • Dito lang sa bahay.
  • Syempre pagkain. Maraming-marami. May lumpia!
  • 4 kinds of beer will be available. Malamig
  • Jack-Coke. May yelo!
  • Walang Videoke. Puro tugtugan lang.
  • I will invite all my musician friends. Dala ng sariling instrumento. Sana makapagdala din kayo ng amplifier. At need ko ng drums.
  • Open party. Lahat imbitado. I will NOT send special invites.
  • Need ko ng Monitor. Malaking monitor. Ayoko ng projector dahil mabilis mag-init yun. Mas maganda kung touch screen.
  • As usual, special prizes will be given to the first 25 people to arrive. Sana mas marami ang pumunta kesa last year.
  • AT AYOKO PILITIN ANG MGA TAO NA PUMUNTA!! WAG KANG PA-SPECIAL!!!

Need ko ng comments ninyo.