Eleven years na tayong namimigay ng school supplies, time to level up our game.
Gift in Kind Foundation, isang grupo ng mga magkakaibigan na nagdecide eleven years ago na magbalik ng biyaya. Pupunta sa probinsya ng isang member, dun sa elementary school nila, hahanapin yung mga mahihirap na students na walang wala, bibigyan ng school supplies, palalaruin ng parlor games, at pakakainin.
Natatapos ang kwento sa paguwi ng volunteers. Natatapos ang kwento ng outreach pag tapos tapos na ang program. Walang follow up. Walang follow through.
Yung nakasanayan na ganyan ay natapos ngayong taon.
Three years ago, we decided to adopt Banawen Primary School. Itong paaralan na ito ang tututukan namin. Taun taon kami pupunta dito. Every year, parami nang parami ang mga regalo. Paganda ng paganda ang mga pinamimigay. Palaki ng palaki ang mga dumarating na tulong.
Dahil, lumalaki din ang mga bata. Continue reading