Tag Archives: san pablo city

Date Number 5: San Pablo City Coco Fest!

Bago ang lahat, gusto ko lang malaman ng mga readers ko na mahal na mahal ko ang girlfriend ko. Isa sa mga nagustuhan kong ginawa niya ay ang pagadvise sa akin na mag-apply ako bilang TL sa amin. Maraming salamat sa tiwala at suporta. Hindi kita bibiguin, mahal na mahal kita.

*********

Talaga namang nakaka-LSS yung theme song nila. Buti na lang, matagal na yung event at hindi ko na natatandaan yung melody.

Ika-18th Coco Festival sa San Pablo City; yan ang pinuntahan namin noong isang January 13, 2013. Pambawi lang yun dahil sa naundlot na panonood ng UAAP Women’s Volleyball. Tinamaan kasi kami ng katamaran.

Debut ng Cocofest

Debut ng Cocofest

Kaya naman kahit na hindi namin kabisado ang festival na ito, pinuntahan na rin namin. Trip rin kasi namin makita ang efforts ng mga Amante at ni Sol Aragones na ilunsad ng maayos ang festival na ito na walang bahid pulitika. (charot!)

Kagaya ng mga naunang mga date, sisimulan natin ang araw sa pagbibigay pasalamat sa ating Tagapaglikha. Daan muna tayo sa Bay, Laguna. Isa pa, susunduin natin ang BFF/Sister ni Pentells na si Jampacked.

San Agustin Parish - Bay, Laguna

San Agustin Parish – Bay, Laguna

Pentells at Jampacked

Pentells at Jampacked

Festive ang lugar. Kumpleto ng tarpaulin at mga banderitas. Masayahin ang mga taong nanunuod. Ultimo mga street vendors ay napaka-festive ng atmosphere.

Actually, nagfood trip ako ng bahagya.

Ang parada ay punung puno ng kung anu-ano. May mga third sex na nakabihis ng gown na gawa sa by-products ng buko, may mga bata at mga dalagita’t binata na nagri-representa ng kagandahan ng mga tao doon, may street dancing na pa-contest, at syempre may mga float na gawa sa coconut ang theme.

Nang medyo pagod na kami, nagpunta kami sa Sampaloc Lake para mag-relax. Syempre pa, uminom kami ng kaunti.

Salamat nga pala sa San Miguel para sa pag-sponsor ng mga ganitong fiesta.

Hindi na namin tinapos ng buo ang parada. Hindi rin kasi gaanong nakiki-cooperate ang panahon. Medyo hindi rin mabilis at sunod sa schedule ang lahat dahil sa mga aberya.

San Pablo City, Laguna

San Pablo City, Laguna

bukoking and promking

bukoking and promking

festive street vendor

festive street vendor

 

mga San Pablo bulilit

mga San Pablo bulilit

San Pablos own set of beauty queens

San Pablos own set of beauty queens

 

pancit buko at coco jam

pancit buko at coco jam

getting ready

getting ready

college level street dancing

college level street dancing

 

salamat san miguel

salamat san miguel

sampaloc lake one of the seven lakes of san pablo

sampaloc lake one of the seven lakes of san pablo

Marami pang dapat ma-improve ang mga organizers. Siguro, kung hindi sila busy sa pangangampanya, mas magiging maayos ang fiesta.

Isa pa, wala si Coco Martin. Busy daw kasi siya e.