Tag Archives: Sangalang

Jose Raoul Abad on Who Wants To Be A Millionaire PH

#MilYouNaire

 

MEET JR

Asawa siya ng pinsan ko. Naglaro siya sa Who Wants To Be A Millionaire which was aired October 18 and 25 sa TV5.

Si Bossing ang katapat niya. Sa first episode niya, naka-abot siya hanggang 150,000 pesos. Inaabangan ko pa yung 2nd episode.

Tara nood tayo. Every Sunday, 7pm sa TV5.

Ang 2nd ‪#‎MilYOUnaire‬ hopeful ngayong gabi ay si JR Abad, 32 years old at nagtatrabaho sa isang pharmaceutical company.
Sports fanatic si JR–puwede mo siyang isabak sa basketball, billiards, bowling at biking. E kay Bossing, uubra kaya siya? Panoorin ang kanyang laro ngayon sa TV5’s Who Wants to be a Millionaire ! #MilYOUnaire

 

May tanong ako para ke Kuya Raoul.

Ano ang ireregalo mo sa akin sa Pasko ngayong nakasali ka sa Who Want To Be A Millionaire?

A) Size 8 na Rubber Shoes
B) SNAP aerial Camera na makikita dito: Click Here.
C) Medyas
D) Pamangkin na cute

I think, dumating na ang #TamangPanahon para hindi Basang Adobo lang ang ginagawa niyo ni Ditse Jacq.

Semana Santa sa Meycauayan 2011

Pwesto!

 

driver ng karosa

Sobrang daming tao. Pangalawa sa nakipaglibing na mga santo ang aming karo na si Santiago (James the Great). Pagdating sa may Puregold Meycauayan, nagpaiwan na ako para kumuha ng pictures.

Continue reading

Rustico Sangalang

Lolo Boy,

Di po ba Rustico ang tunay ninyong pangalan? Lolo Rusty nga ang isa niyo pang palayaw. Kung si Lolo Naning (Mariano) ang sumabak sa pulitika, ikaw naman ang shobiz.

Napanaginipan ka raw ni Kris, Yung pinakabunso sa aming magpipinsan. Sabi niya, kasama mo raw si Lolo, nagyoyosi daw kayo. Hanggang ngayon ba hindi niyo pa tinitigil yan?

Ilang pelikula ba ang nagawa mo? Hindi ko na maalala kasi yung iba, hindi pa ata ako pinapanganak e pinalabas na. Mara Clara nga lang ata ang naaalala ko. Sabi ni mommy, driver daw ang role mo doon, e hindi ko naman matandaan.

Aantayin daw natin yung laban ni Manny Pacquiao bago ka magpahatid dun sa pupuntahan mo. Sabi kasi ng pari, sunduin daw siya sa oras na matapos ang laban. Napaka indefinite naman nun kaya hindi na ata ako makakasama. May pasok pa kasi ako nang alas sais e. E pano kung alas kwatro magsimula ang laban, e di late ako for sure.

Andami mong bisita kagabi. Karamihan pulutiko. Malapit na kasi ang eleksyon, e sa kung hindi mo natatanong, si tita emy at si tito senic, magkalaban ata sa pagka meyor yung mga boss nila. Medyo nagkakabanggaan, kahit sa picture pa lang. Magulo talaga ang pulitika. Sa bagay, hindi naman nalalayo ang pulitika sa showbisnes.

Sige po, paki kumusta na lang po ako ke Lolo Naning. Ingat po kayo sa mga yosi at kendi siyan sa langit. Kasi pag umubo kayo, baka kumulog.

Oo nga pala, nakangiti ka po pala sa kabaong mo. Siguro masaya ka dahil ang libing mo e sa araw na pagkapanalo ni Pambansang Kamao nang pampitong championship, kahit na sa tingin ko e maliit ang kabaong mo para sayo.

Isa ka pong Kampeon, mahusay na tagapagdala ng apelyidong Sangalang.

Sangalang – Ramos

Kasalan na naman; always na lang may kasalan. Hindi pa nga lumalabas si Alexa sa tiyan ni ate maja, may kinasal na naman sa aming magpipinsan. This time, the eldest Sangalang sa magpipinsan ang kinasal.

Continue reading