Tag Archives: sasakyan

Memory Miyerkules Anong Pangalan ng Sasakyan na to?

Summer outing ng Awesome Clan sa Quezon. Ang pinakanaaalala ko lang, sumasakay kami dun sa sasakyan na tumatakbo sa riles. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ang tawag sa sasakyan na yun. Basta sure ako na hindi mo kailangan i-register yun sa LTO.

Iisa langang riles ng tren. Kapag may nakasalubong kayo, kailangan bumaba ng mas onti para magbigay daan sa nakararami. Syempre, parating hindi kami gumagalaw. Pano ba naman, pag sumakay kami, halos buong angkan. Mamamalengke, mamamasyal, yun ang gagamitin namin na transpo.

Minsan pa nga may nakasalubong kami na magkasintahan. Syempre moment of love nila yun; kandungan, super sweet sila habang umaandar yung sasakyan nila. Sa gitna pa talaga ng sasakyan na kahoy nakaupo yung lalaki habang katabi niya ang kanyang girlfriend. Ang kaso, nun makasalubong kami, kahit na nakakahiya na istorbohin sila, wala silang nagawa. Kailangan nila bumaba para igilid yung sasakyan nila.

Dalawang tao ang kailangan magbuhat nun sasakyan para mai-alis sa riles. Automatic yun, yung dalawang driver ang kikilos. Mukha namang magaan yung sasakyan dahil gawa lang ito sa kahoy at may isang makina na de motor.

Ganito ang itsura nun sasakyan. Kung alam ninyo kung ano ang tawag, paki-comment sa baba:

Anong sasakyan to?

Anong sasakyan to?

 

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Jay Light

Mahilig sa mga sasakyan si Jay Light. Kaso, dahil bata pa siya (mga 6 years old lang ata), puro cut outs sa dyaryo ang kinokolekta niya at hindi mga tunay na kotse.

Ang ginagawa niya sa cut outs, dinidikit niya sa pader ng kwarto niya. Halos mapuno na ng cut outs na kotse ang dingding sa kwarto niya kaya ang iba ay nilalagay niya sa pintuan ng aparador.

Kahit ata sa pintuan ng kwarto niya ay merong nakadikit.

Wala naman magawa ang parents niya na sina Val at Fe.

Anyway, isang araw, nagulat na lang ako at nagdoorbell ang kapitbahay namin na si Jay Light. Niyayaya niya ako na magpunta sa kanila. May ipapakita raw siya sa akin. Hindi ko pa alam ang tungkol sa kanyang car cut outs collection nun.

Mga 9 years old lang din ata ako nun. Lalake, niyayaya ng kapwa lalake na pumunta sa kwarto niya dahil may ipapakita raw?

This is soooo GAY.

Pero napilitan ako dahil sinabihan ako ng yaya niya na sumama na. May ipapakita lang naman daw.

Duda talaga ako sa kasarian mo kid, pero sige na lang. Go na lang ako.

Pagdating sa kanila, kinumusta ako ng parents niya. Hindi ko na pinansin at sumunod na lang ako kay Jay Light diretso sa kwarto. Nagulat ako sa dami ng cut outs na nakadikit sa pader.

May bago palang kotse si Jay Light. Malaki ang picture. Bagong dikit lang din. Pinagmamalaki niya ito sa akin.

Nahimasmasan naman ako at hindi kabadingan ang nakita ko.

Pero dahil boring para sa akin ang mga kotse nun panahon na yun. Tinakbuhan ko siya, mabilis na takbo hanggang makarating ako sa bahay namin. At hindi na ako lumabas ulit.

Nagulat na lang ako ulit nang makita ko si Jay Light na umiiyak. Hagulgol talaga. Bakit ko raw siya iniwan. Hindi ko raw ba nagustuhan yung bago niyang sasakyan.

Patay tayo diyan.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

PS. Mas nakakagulat na may magandang girlfriend si Jay Light ngayon. May koleksyon pa rin kaya siya ng cut outs ng mga sasakyan?

Hatid

4am ang out ko sa trabaho. May mga kasabay rin ako naga-out. Ang ginagawa ko, niyayaya ko sila na sumabay na sakin. Minsan out of way pero ok lang. Ayoko kasi ng routinary na buhay. Isa pa, ayoko maabangan ng masasamang loob sa kanto.

Naihatid ko na si PA Eds, si FranDrich, si Tito at Mark, Si Glen sa may Buendia, si Paula sa JVictor, si Pepot sa P.Gil at si malditangkerubin sa bahay nila. Sana makapaghatid pa ako ng iba pa. Masaya kasi magdrive pag may kasama.

Pasesnya na lang sila dahil hindi aircon ang sasakyan ko. Maginaw naman sa Pilipinas ngayon e kaya ayos lang. Sa mga maiksing panahon na ito, nakakapagkwentuhan kayo ng mga bagay na labas sa trabaho. Mga bagay na personal. Masaya ako at nakapaglalabas ako ng rants ko sa buhay dahil dito. Kapalit ng gasolina na nawawaldas.

Kaya kapag sabay tayo ng uwi, don’t hesitate ha. Pwede naman ako umikot ng konti e.