pasensya na po.
Hindi ko kaya mag blog araw-araw tungkol sa Simbang Gabi aka Misa de Gallo dahil nagwo-work po ako simula 7am til 4pm. Pagkatapos ng work, may mga events pa akong pinupuntahan.
Buti nagkaroon ako ng oras para magsulat ng blog na to para bigyan kayong mga readers ko ng idea kung san pa kayo pwede magsimba para sa 9 day novena pampasko.
Eto ang pictures na may kasama na rin na captions. This will cover for the first 4 days na nakapagsimbang gabi ako. Hindi rin kumpleto ang schedule dahil yung oras lang na nakapagsimba ako ang ibibigay ko.
Hanep sa report noh?! Sorry na, tao lang.
Anyway, enjoy!

Our Lady of Fatima Parish Bacood
FIRST DAY: Nakapagsimba ako ng 4:30am. Maraming tao at medyo suffocating pag sa loob ng simbahan ka nakapwesto. Suggestion ko, sa labas ka na lang para hindi ka mahilo. O kaya, dun ka sa harap umupo para medyo malawak at hindi nakakasakal.
Kailangan na nila palakihin pa yung simbahan. Hindi kaya ng simbahan na ito ang dami ng mga nagsisimba kapag peak hours.

Shrine of the Sacred Heart of Jesus – Makati
SECOND DAY: Mayaman ang simbahan na ito. May dalawang misa sa umaga. Isang 4am at isang 5:30AM. Dun ako sa latter para sakto na lang ang paglalakad ko papunta sa office nung natapos ang misa ng 6:30AM. Kumpleto sa gamit, aircon, at magaling ang choir. English nga lang ang misa at nasakto pa ako sa pari na hindi nagtatagalog. Ang gusto ko pa naman, Tagalog na homily. Para ma-gets ko at maka-relate ng mas maayos.

Sacred Heart of Jesus – Kamuning
THIRD DAY: Late na ako nakarating sa misa dahil may event pa ako. Actually, siningit lang namin dahil nagbakasakali lang kami. 8PM nagsimula ang misa at nakarating kami nun bandang prayers of the faithful na. Nag-sorry na lang ako at kumanta ng offertory song at communion song ng buo kong lakas. Maraming tao pero ayos lang dahil mataas naman ang roof. May mga electric fan din naman kaya maayos at komportable ang pagsisimba.

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel – Sta.Mesa
FOURTH DAY: Napakaswerte ko sa misa na to dahi si Fr Jerry Orbos ang naging celebrator. Magaling siyang pari. Siya yung madalas natin napapanood sa Sunday TV Mass ng ABS-CBN. Nagmimisa din pala siya sa ospital.
Nasaktohan ko lang na 5am ang misa dahil may mga nakasabay akong naglalakad. Well, ayos lang din yun dahil 1 hour travel ang kailangan ko papuntang Makati area. Hindi man aircon ang simbahan, ayos lang din dahil kaunti lang ang nagsisimba. Hindi ko lang trip ang choir dahil medyo mabagal kumanta sila sister. Nakakaantok talaga para sa akin ang boses ng mga madre.
************
O ayan, report ko na yan para sa first half. May limang misa pa akong dapat puntahan para makapag-wish. Ipagdasal po ninyo ako gaya ng pagdarasal ko para sa inyo.
Sorry po sa mga bad comments pero kailangan ko lang maging honest. Maiintindihan sana ako ni Lord pati ng mga readers ko.