Grade 1 ata ako non. Dito rin kami sa Sta.Mesa pa nakatira. Nag-announce ang DECS (Department of Education, Culture and Sports) na walang pasok dahil signal number 1.
DECS ang dating pangalan ng pinagsamang DepEd at CHED. Malawak kasi ang saklaw ng DECS kaya hinimay nila para maka-pokus sa mga dapat gawin.
Anyway, too late na nag-announce ang DECS na walang pasok. Mga 1 hour na lang ata nun bago mag-start ang klase namin. E bihis na ko ng uniform ko. Sinabihan na lang ako ng yaya ko na magpalit ng pambahay. Sure daw siya na walang pasok.
Wala akong tiwala ke yaya, pero sumunod na rin ako sa utos.
Maya-maya, dumating ang school service ko. Lahat ng mga ka-service ko, nag-aantay na sa labas ng gate namin. Nahihiya ako dahil nga sila, nakabihis na at ako, nakapambahay lang.
Tumakbo ako papasok ng bahay at nagtago sa ilalim ng kama dahil sa hiya. Mga isang oras din ako doon. Hindi naman ako hinanap ng kahit na sino.
Siguro nga, kinausap ni yaya ko ang driver ng school service at lahat ng mga kaklase ko. Sinabi na niya siguro na wala ngang pasok.
Nasabi ko na bang wala akong tiwala sa yaya ko?
Nang sumunod na araw na may pasok na dahil wala nang bagyo, tinanong ko teacher ko, “Wala po ba talagang pasok kahapon?”
“Wala”, sagot ni teacher.
“A ok po.”
Mukhang dapat ko pagkatiwalaan pa ng mas mabuti ang yaya ko.