#PrayForShehyee
Iba na talaga sumulat yung idol kong malaki ang mata. Mahusay. Tinalo niya ang Hari ng Tugma. Panahon na talaga ng bagong henerasyon. Andito na ang mga tagapagmana ng trono. Continue reading
#PrayForShehyee
Iba na talaga sumulat yung idol kong malaki ang mata. Mahusay. Tinalo niya ang Hari ng Tugma. Panahon na talaga ng bagong henerasyon. Andito na ang mga tagapagmana ng trono. Continue reading
Nabanggit ko na to dati sa viral blogpost ko. Uulitin ko lang at palalawakin, tutal hindi na naman sila nanalo sa semis laban sa Team SS. Ako na ang magiging matapang na epal sa FlipTop na magsasabi na:
“Si Loonie naman, although magaling pag mag-isa, hindi mo masasabing pang 2 on 2 talaga siya.”Handa ako sa criticisms, at sigurado ako na handa rin ang idol ninyo na sina Abra at Lonee (as pronounced by Shehyee and Smuglazz) sa mga critics. Ok lang ako na murahin, gusto ko lang sana, mag-comment ang karamihan sa mga makakabasa.
Eto ay base lang sa mga laban sa 2-on-2. Kung magko-comment kayo na based sa mga 1-on-1 nila, wala kayo sa tamang lugar.
Simulan na natin ang mga patutsada.
Kung mapapansin mo, ang mga points na binigay ko ay hindi lang para sa Team LA. Para rin ito sa bawat tandem na nangarap na mag-champion at makuha ang 150k sa FlipTop Dos Por Dos. Review notes na ninyo to.
Yung mga mas totoo at mas kapani-paniwalang reivew notes, hanapin ninyo sa FB account ni BLKD at ng FlipTop Observer.
Sabihin na natin na nagmamarunong lang ako, at wala akong karapatan na mag-comment ng ganito dahil hindi naman ako battle rapper. Pero wala namang ibang matapang diyan na gagawa nito kaya ako na lang.
Basta yung P150,000 sa finals, 400 pesos dun ay galing sa akin. Tanong mo pa yan kay Alaric.
Kung wala kang ambag, wala kang karapatan mag-comment.
Posted in FlipTop
Tagged abra, dos por dos, fliptop, girlfriend, lonee, loonie, shehyee, smugglaz
Ang idol nating rapper na kumakain ng Okra at naglalaro ng DOTA na si Shehyee ay nakipag-collab sa isang singing Youtuber na si Ann Mateo.
Sa tulong ng Flippish.com, na-release kahapon ang kanilang Payphone by Maroon 5 cover. Anlupit ng verse ni Shehyee at syempre, nakaka-inlove ang lambing ng boses ni Ann.
Dito mapapanuod ang video. Ang kulit nila sa vid. Paborito kong part yung make face ni Shehyee nun hindi niya napagbuksan ng pinto ng maayos si Ann. Na-stuck ang singer sa may pintuan.
Sure ako, babanatan siya sa Fliptop dahil sa eksenang yun. Pupusta ako ng tatlong libo na within this year, at least isa sa mga verses ng at least isa sa mga makakalaban niya ay gagamit ng reference sa Music Video na to.
Eto nga pala ang lyrics sa verse ni Shehyee, ayon sa pakikinig ko ng limang beses sa kanta:
Yo yo Saglit
Bakit mo ba A-ko Pinipilit
Na Ibaba
Akala ko ba ay 3-minutes
Every Five
Anong masama kung sinusulit?
Hello
Hindi ako nagagalit
Nainis kasi itong nagbabantay sa akin
Sa payphone ay masyadong masungit
Ano na!
Paano ko na iguguhit
Yung yung
Mapapapunta
Sa lugar kung saan ay naro’n ka
Teka teka ang ingay
hindi ko nakuha
pwede bang pakiulit sige na
isa pa
Bakit ka nagagalit e wala
akong magawa
Di ko sinasadya
na maistorbo, please
makipagbati ka na
Kasi yung time ko dito
e malapit nang mawala.
For sure, marami nang artist ang makikipag-collab sa ating mga hiphop emcees. Mas maganda talaga ang kanta pag ang bridge e may rap. Ganyan sumikat si Bieber at si Friday Friday.
Happy Listening!
Hindi na secret ko. kagabi, naglaban sa Semi-Finals ang #TeamSS at #TeamLA sa B-Side Makati. P300 ang pre-registration tickets at P450 naman pag sa gate mo binili.
Dos Por Dos tournament. Round elimination format kung saan dalawang emcees bawat team ang magbabatuhan ng letra at kataga. P150,000 ang premyo, kaya naman pinaghahandaan talaga ito ng mga battle rappers.
Sina Loonie at Abra ang pinaka-heavyweight sa lahat ng teams na kasali. Biruin mo, mga FlipTop pioneers sila na lahat ng nakalaban ay mga batikan. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang talo si Loonie sa FlipTop Filipino Conference Battle League. Si Abra naman, ang pinakahuling controversial na laban niya ay nung huling Sunugan kung saan pinagbintangan daw siyang may kodigo.
FlipTop DosPorDos Semi-Finals
Malakas si Abra sa 2 on 2. Noong naging kakampi niya si Apekz, tinalo nila ang Schizophrenia dati. Si Loonie naman, although magaling pag mag-isa, hindi mo masasabing pang 2 on 2 talaga siya. Tinalo siya at ang kakampi niyang si Datu nina Dellot at Target nung Sunugan 2010. Di ako sure sa date, paki-correct na lang ako.
So, given na yan. May kahinaan at kalakasan ang TeamLA. Pero ano naman ang EDGE ng 21 year old na si @emceeshehyee at ng Speed Rap King na si @smugglaz187 ?
Eto, iisa-isahin ko kung ano ang strengths nila:
Well, sapat na ba yang mga strengths na yan para talunin sina Loonie at Abra? Tingin ko talaga, hindi pa. Minsan kasi, nagcho-choke si Shehyee at pumapalpak. Buti magaling sumalo si Smugglaz. Minsan naman, generic si Smugglaz bumitaw at weak ang punchlines sa third round, pero dahil sa personals ni Shehyee e hindi na napapansin yun.
So kahit ngayon, hindi pa rin ako naniniwala kung may magchi-chismis sa akin na panalo nga ang TeamSS ove TeamLA. Gusto ko makita ang video.
Kung gusto ni Anygma ng million views within 3-5 days, dapat i-upload na niya ang video footage ng mga laban kagabi.
Balita ko, 7-0 daw.
Posted in Contest, FlipTop, Swoosh News
Tagged abra, dos por dos, fliptop, ikapito, loonie, shehyee, smugglaz