Call Center. Shift Bid.
First week ko sa schedule na 10pm-7am Sat-Sun. Kung tutuusin, anak ng Diyos ang schedule pag sa call center ka nagta-trabaho. Masarap ang weekends off. Pwede kang makasama sa mga gigs ng mga normal mong mga kaibigan kapag weekends. Hindi ka naman parating magastos dahil hindi ka nakakasama sa weekday getaways na alam naman nating lahat na umuubos talaga ng budget mo. Focus ka sa trabaho sa loob ng limang araw, at may oras ka magliwaliw kapag Sabado o Linggo.
Pangatlo ako sa shift bid namin. Pinili ko ang schedule na ito thinking na magkakaroon ako ng oras bago pumasok para sa mga extra curricular activities. May mga events, movie screenings, theatre plays, product launches, at running clinics sa umaga hanggang sa 8pm at gusto kong maka-attend sa mga ito.
Masaya din naman ako sa mga agents na napabilang sa team ko na #PepisCola. Dahil nga sought after ang sat-sun restdays, magagaling at dedicated ang mga agents na napapunta sa akin.
Kaso eto ang problema, schedule ng pagtulog.
Sa oras ko kasi dati na 8pm-5am, nakakarating ako ng bahay ng mga 6am. Hindi pa ako ganun ka-pagod kaya pwede pa ako maglaro ng LoL o Starcraft. Uubusin ko ang lakas ng katawan ko. 10am na ako makakatulog at isang pasada na yun hanggang 4pm-6pm. Sakto na ang tulog na ganun at hindi masakit ang ulot sa pagpasok.
E sa ngayon, pagdating ko sa bahay ng 8am, pagod na ang katawan ko. Diretso na sa kama. For an unknown reason, magigising ako ng 1pm at hindi na makakatulog pa. Pipilitin ko na lang na makapikit at maa-accomplish ko to pagdating ng mga 6pm.
Bukod sa hindi mabuti sa katawan ang putol na tulog, hindi ko pa nagawan ng paraan ang extra curriculars ko. Badtrip di ba?
Ang naiisip ko na lang na gawin ay mai-schedule ang paggising ng mga 4pm-6pm. Ano kayang magandang paraan?
#callcenterproblems.