Kakatapos lang namin manuod ng sine mag-anak. Habang ang credits ay nagro-roll at tumutugtog ang Official Sound Track ng movie, naglalakad kami papalabas ng sinehan.
Nakakapit ang kuya ko ke mami para hindi siya mawala. Bitbit ni mami si choy sa kabila niyang kamay habang ako ay nangungulit sa siksikan ng tao papalabas ng pintuan. Inaabot ko ang kamay ko sa guard para humingi ng tatak, patunay na nanuod ako ng sine. Nauna na ata si dadi sa labas ng sinehan para bumili ng vitamins niya.
Sa SM Centerpoint yun, pagkatapos ng misa sa umaga, diretso sa sinehan ang mga tao, at paglabas ng sinehan ay jampack na ang 4th floor ng building dahil sa mga nakapila papasok ng sinehan, mga bumibili ng ticket, at mga naglalaro sa arcade.
Ganyan kami noon, mura pa ang sine noong grade 1 pa lang ako.
Ngayon, hindi na ata ganoon ka-mura. Pero sana, makanuod pa ulit ng movie ang buo naming pamilya. Sa sinehan!
Kung hindi naman, pwede na ang 42-inch plasma sa salas na may surround sound. Ok na yun!