Matapos ang spike na naganap sa blog ko last week, na-tag naman ako na may malware content about 3 days ago. Bad trip talaga ang mga ganitong eksena. Dahil nga naman ang pinaka-ayaw ko e yung hindi mabasa ng tao ang mga sinusulat ko sa blog.
Syempre, hanap ako ng malware scripts. Sabi sa email sa akin ng Google, URL redirects to malware sites daw ang problema. Simple lang naman yun. ang una mong babanatan, yung .HTACCESS file mo. Tignan mo kung san napupunta yung 404 error customers at tatanggalin mo lang yung script na yun. Tapos, sundan mo lang yung usual steps na change passwords, etc.
And since this is WordPress, you should update all of your Themes and plugins.
Ang kaso, may isa pang email sa akin si Google. Sabi niya, yung isa sa mga subdomains ko na may WordPress blog rin na naka-install, ay may malware din. Nakakabad-trip yun dahil sa ibang directory naman yun naka-point. Ang malupit pa neto, hindi ko sure kung ginagamit pa ng blogger ang blog na yun.
Nevertheless, inupdate ko na rin. Pero hindi na ako nagrequest to review sa blog na yun dahil wala naman yun sa Webmaster Tools ko.
Good thing naman, hindi ako nazi-zero sa aking site visits. Ang lowest ko ay 126 page views, which is OK na rin considering na may malware ang site ko nun. Salamat na marami sa viral blogpost ko.