Tag Archives: sorry

Patawad Po.

Simula nang ma-install yung water dispensing machine sa tapat ng bahay namin, madalang na ang kumakataok sa bahay namin para mangaroling. Nakakahiya na kasi kumanta ng jinggambels habang may nag-iigib ng tubig. Kadalasan din naman, ang kinakarolingan e yung nag-iigib, at hindi na kami na nakatira sa bahay.

Dahil dito, kaunti na lang ang mga bata na hiningian ko ng tawad. Kaunti na rin yung sinasabihan ng nanay ko na “Bumalik na lang kayo sa Pasko” kahit na alam niya na wala kami sa bahay namin pag Pasko.

Kawawang mga bata, babalik sila sa bahay para sa wala.

Nakakatuwang isipin – habang papalapit ang Bagong Taon, parami nang parami ang mga hinihingian natin ng tawad. Para nga naman maluwag ang loob natin pagpasok ng year of the Metal Rat. mas madaling makausad pag walang bitbit sa balikat. Mas mabilis ang takbo pag walang kang kinakaladkad. Mas malayo ang mararating pag tipid sa gas. Mas maputi ang damit pag nilabhan sa Tide.

Metal Rat

Metal Rat

Kaya bago matapos ang taon, gusto ko humingi ng patawad sa ilang mga importanteng tao sa buhay ko;

Continue reading

Then I Saw His Face, Now Am A Belieber

Lumabas na yung pang-apat na studio album ni Justin Bieber 2 weeks ago. Ibang iba na yung boses niya.

Wala na yung mga pa-cute na kanta na Baby at One less lonely girl. Hindi na nakaka-irita yung papogi moves niya. Ngayon, may soul at positive attitude na.

Sabi ko naman sa inyo, anlaki talaga ng nagagawa ng break up moments sa isang tao. Dito lalabas lahat ng talents mo. Yung “Purpose” mo sa buhay, madidiscover mo pag kaya mo nang ibigay lahat, dahil wala nang mawawala sayo.

Continue reading

Ang Pinakaayaw Ko Sa Girlfriend Ko

#ALDUBOurMissionisLove #Sorry

Ang mga babae, malupit ang mood swings nyan. Pwede mo ma-control lalo na kapag alam mo ang menstrual cycle nya. Tyempuhan mo lang ng pa-cute kapag fertile at galingan mo mag-support the pain kapag PMS na. May panahon din na ignore ka lang kapag hindi ka niya trip kasama.

Pero ang pinaka-ayaw ko.
Yung pinaka-hate ko.
Kapag nangyari ito, tapos na ang mundo.

Kapag inabutan siya ng GUTOM!

Aba, nangangain ng tao yan.

Kapag sinabayan pa niya ang gutom niya ng CRAVINGS. Kapag lumpia ang gusto niya, wala na siyang ibang gusto kundi yun lang. At may specific lumpia pa ito. Hindi pwede yung lumpia na mabibili mo kung saan-saan lang. Dapat yung lumpia na favorite niya.

Hindi rin pwede yung lumpia na ipapabili mo sa yaya mo. Hindi pwede yung pinambili e pera ng tropa mo. Dapat lumpia na ikaw ang bumili. Yung lumpia na may effort.

Specific na, may effort pa.

Ayoko talaga ng ganitong pagsubok. Shit test. Pwede naman paminsan-minsan, pero kung parati na, hindi na pwede.

Lalo na kapag sinuyo mo na at ok na kayo, hindi pa mag-S-O-R-R-Y.

sorry daw sabi ni yayadub

sorry daw sabi ni yayadub

Hahahaaayyy. Badtrip!