Tag Archives: sotto

ALDUB notes : #ALDubEBforLove RECAP

25M tweets. Wow.

Pero syempre, hindi ako magpapahuli.

Sa dinami dami ng quotes / lessons / learnings ng September 26 episode, hindi ko na dadagdagan pa. Umakayat na ng ligaw si Alden, at kinilig tayong lahat. Sapat na yun.

Pero gusto ko lang i-point out ang scene na ito.

Pauwi na si Alden. Nakapagpaalam na siya sa mga lola. Nagpapaalamanan na sila ni YayaDub. Naibigay na ni YayaDub ang love letter na sinulat kanina. Hindi natin alam kung kailan sila magkikita uli.

Per kailangan ng souvenir. Hindi sapat ang pictures na lahat naman ay makakakita. Dapat may something special. Dapat may take away. Something na common pero pahahalagahan.

Pwedeng ticket sa sinehan kung nanood kayo ng sine.
Pwedeng resibo sa restaurant kung kumain kayo sa labas.
Pwedeng tissue paper, di ko alam kung saan galing, basta kung meron, GO!

Pero sa eksenang ito, panyo ang naging souvenir.

panyo 2

panyo 2

Pinagpawisan.

Galing sa kaba.

Galing sa hindi mapakaling pagkakakilig.

Galing sa hindi maipaliwanag na nadarama.

Something na pwedeng itago ni YayaDub. Amuy-amuyin, langhap-langhapin. Ilagay sa altar at dasalin na agad silang magkita muli.

At alam na niyo siguro kung kanino galing ang panyo:

panyo

panyo

Malupit pa rin talaga si bossing pagdating sa mga panliligaw moves.

More power bossing!

Memory Miyerkules – Kopya

High School days. Recess.

Kultura na namin ang magkopyahan ng assignments. Ang tawag namin dun, pag-compare ng notes. Don’t get me wrong ha, hindi ako ang kumokopya. Ako ang kinokopyahan.

At dahil tamad ako, hindi sila nakaka-kopya sa homework ko hanggang sa last minute ng recess. Kahit kahapon pa binigay ang assignment, gagawin ko lang to sa recess, yung break bago dumating ang teacher ng Math.

Kung may nakakabasa dito na galing sa High School ko, ipagpatawad po ninyo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Anyway, pag natapos ko na ang assignment, iikot na ang papel ko sa loob ng classroom. Parang pokpok na pinagpapasa-pasahan ng siyam na lalaki ang papel ko. Yung iba, talagang nagko-compare lang ng answers, pero ang karamihan. Walang ginagawa kundi mangopya.

Maswerte ako kung may magsasabi sa akin na, “Pepi, mali ang solusyon mo sa number 6. Ganito dapat.” Pero kadalasan naman, wala. Matalino kasi ako!

Blog ko to kaya pwede akong magbuhat ng bangko.

One time, nang tinignan na ng Teacher namin ang mga papel, napansin niya na wala ang assignment ko sa mga pinasa. Ang mga KUMAG kong kaklase, matapos gahasain ang assignment ko e iniwan na lang nilang nakakalat sa tabi. Hindi man lang nila naisip na ibalik sa akin para ipasa. Ang buong akala ko pa naman, sila na ang magpapasa.

Nakakahiya talaga ang eksena na yun. Hinanap ko ang papel ko pero hindi ko makita. Ako pa tuloy ang nawalan ng assignment.

Nakita ko lang ang papel ko nun lunch na. Hindi ko maalala kung naipasa ko pa yung o tinanggap pa ng teacher. Basta ang alam ko, bad trip yung experience na yun.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.