Tag Archives: southern treaders

Ikakasal Na Si Coach Rio

Ikinasal na yung iba kong friends. Nag-commentator pa nga ako dun sa isa e. Yung isa ko pang pinsan, ikakasal sa January. Yung Coach ko sa Southern Treaders na si Running Ade, kinasal na rin. Yung teammate ko na si Kuya Pedro, ikakasal na rin.

Lahat sila kinasal/ikakasal na. Sumabay pa tong si Coach Rio.

Eto pruweba:

Coach Rio Engaged

 

Kung Hindi pa sapat yan, eto pa isang proof:

Tadhana: Coach Rio’s Engagement Proposal Video. from Ian Celis on Vimeo.

 

Sino na kaya kasunod?

BonPen Fun Run and Bike Ride

Sa dami ng ginawa namin sa Quezon, I don’t think masusulat ko lahat. Pero pinipilit kong maisulat yung mga gusto ko iparating sa aking mga readers.

BonPen Fun Run. Fun naman talaga. Kung alam niyo lang, 256 kms ang coast to coast ng BonPen Highway. Kaya naman naisipan nila na patakbuhan ang 21kms nito at pasadahan ng mga bisikleta ang 51kms.

Kaso, may angal sila coach. Bukod sa late nag start ang takbuhan, hindi pa naalagaan ang 21k runners. Kahit pa ba sabihin natin na 25 na tao lang ang tumakbo ng 21k, dapat inalagaan pa rin sila. Biruin mo, sa 10k U-turn ang huling water station bago pa ang 21k U-turn. That is about 10k distance na walang tubig. Kung hindi nila kaya bigyan ng water stations, sana pinaki-usapan nila ang mga naninirahan sa mga bahay-bahay na maglabas ng tubig para sa mga runners.

Ako rin, may maliit na angal rin ako. May kalsada doon na sharp curve at naka tagilid ang pagkaka-konkreto ng daan. Hindi ako marunong tumakbo sa ganoong kalsada. Medyo nakaka-injure yun.

Anyway, na-cover ko ang 5k ng 25minutes at 28 seconds. Wala namang official time dahil wala silang timing chip. Php200 lang kasi ang race kit e. Hindi swak sa budget nila.

Buti, habang tumatakbo ako, meron nagpi-picture sa akin na kapwa blogger. Eto ang best picture ko:

promking sa BonPen Run

promking sa BonPen Run

Maraming salamat sa nagpicture sa akin na si Aileen at sa camera ni JayL.

Ako na ang nagsasabi sa inyo, maganda magpa ultra-marathon sa BonPen high way. Basta maisaayos ang takbuhan, sure ako may tatakbo ng 256 km distance.

Deadly yun. Mas mahaba pa yun kumpara sa Death March.

Quezon BonPen Festival 2011

Naku. first time ko maga-out of town with the bloggers.

Naimbitahan po kasi ang inyong lingkod na mag-cover ng isang event sa 4rd district of Quezon. Balita ko, cooking contest ito na gagamit ng Goat Meat at Guinea Fowl. Tunog pa lang, masarap na. Magja-judge ata ang grupo ng bloggers kasama ng pag-cover ng Fiesta doon.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang details. Buti na lang, isang dating kasama sa Lasalle Aspirancts ang mga nagpadala ng sulat. Sobrang excited ako na makita siya ulit.

Tapos, meron pa daw fun run na gaganapin. Sabi ng coach ko, tatakbo daw sila doon. FYI po, ang coach ko na si Coach Adrian Arcaya ay tubong Quezon. Southern Treaders ang team namin at tatlo ata sa team namin ang tatakbo doon. Gusto ko rin sana tumakbo. Sana, may race kit sila para sa akin.

Eto nga pala ang kanilang festival schedule.

BonPen Festival 2011

Discover the beauty of the 3rd District of Quezon Province in a unique tourism festival on October 28-29, 2011. The two-day festival is designed to promote the people’s awareness on the current environmental concerns and inspire activism in protecting our planet while featuring the beautiful sites of the district’s twelve towns and promoting tourism in the area.
Events and Activities

OCTOBER 28, FRIDAY
  • The Green Mile Tree Planting – the quest for the longest simultaneous road-side tree planting covering the twelve towns of the district. Tree seedlings will be planted along the more than 265 km highway. Confirmed guest is Hon. Jejomar C. Binay, Vice-President of the Philippines and the officials of Quezon Province. (Early Morning, Simultaneous Tree Planting in all the towns of the District).
  • Konsiyerto para sa Kalikasan and Beerfest – a fund-raising concert featuring Kalayo Band (formerly Pinikpikan) and other professional bands coming together for the cause of the environment. (6:00 PM, DBES Open Grounds, Pitogo)
  • AgriTrade Fair- an agricultural trade fair catering to tourists and locals interested in buying local produce and products. (Days 1 & 2, Pitogo, Quezon)
  • Medical Mission Sponsored by Vice-President Jejomar C. Binay for the towns of Pitogo and Catanauan, mission includes medical check-up, dental procedures and optical consultations with free corrective eyeglasses and medicines. (6:00 AM, Municipal Plaza, Pitogo, Quezon)

OCTOBER 29, SATURDAY
  • Takbo at Padyak BonPen Para sa Kalikasan (BonPen Fun Run and Fun Ride for the Environment) – a fun run with 21km, 10km, 5km and 3km distances ending in the town of Pitogo. Expected number of participants is 3000-5000. (Fun Run: 5:00 AM, Pitogo Highway; Fun Ride Assembly: Padre Burgos Municipal Covered Court, P. Burgos, Quezon)
  • Kulinarya BonPen 2011- cooking competition open to professional and apprentice chefs featuring produce from the 12 towns of the district. (11:00 AM RESMA, Unisan, Quezon)
  • Mr. and Ms. BonPen 2011- a pageant participated by the most beautiful young men and women of the district. Winners of the pageant will be the official BonPen environmental ambassadors. (6:00 PM Quezelco-I Compound, Pitogo)
  • Awarding of the Cleanest and Greenest Municipality – awarding of the winners for the cleanest and greenest municipality in the district which will be done during the pageant program. (6:00 PM Quezelco-I Compound, Pitogo)
Festival Host

This year’s festival is hosted by the Municipality of Pitogo, the fourth town belonging to the gateway cluster of the district which welcomes the visitors coming from the National Capital Region. Pitogo is a coastal municipality which boasts of coconut farmlands, beautiful beaches and a fascinating seascape.

Invitation

The festival is open to all who wish to see this hidden treasure in the heart of Quezon Province, experience the warm friendship of its people and be immersed in their unique culture. Investors are invited to explore possible business opportunities in this yet to be discovered mine. Media practitioners are most welcome to cover and feature their experience here.

BONPEN FESTIVAL 2011 SECRETARIAT |
SPECIAL PROGRAMS AND COMMUNICATIONS TEAM OFFICE
MOBILE NO. (0917) 894-6176 |
TELEFAX NO. (042) 318-8585
EMAIL teampitogo@ymail.com
URL facebook.com/discoverbonpen

O sige, nagiimpake ako e. Pagbalik ko ng Manila, e-sports athlete naman ako. Pero sa ngayon, blogger on the go muna.
See you lator, Calculator!

Empires and Allies Cheat

Para lang makuha ang atensyon mo, nilagay ko ang word na cheat sa title. Ang husay noh?

Empires and Allies

Empires and Allies

Anyway, kung tutuusin, malupit na laro talaga ang Empires and Allies. Wala pang isang linggo ang paglalaro ko nito, gets ko na kagad ang mechanics. Naiinip na nga ako pag wala na akong energy e. Kinukulit ko pa ang mga Facebook friends ko pag nagipit ako sa energy.

Si Tontonbagyo ang nagpakilala sa akin ng larong ito. As of this writing, level 46 na siya at nambu-bully siya ng mga kaibigan niya. Minsan, isina-sabay niya na rin ang pambu-bully sa pagkakalat niya ng googlehammer.com.

Nagulat ako kahapon nang malaman ko na naglalaro rin pala ng Empires and Allies ang mga beach buddies ko na sila Ada at Tina. Pati si Merwin high level din. Ang running team ko na Southern Treaders e high levels din dito. At syempre ang inaanak ko na si Khiel e may empire din.

Eto lang naman ang mechanics ng laro; gumawa ka ng military units tapos sumugod ka. Gagamitin mo rin minsan ang military units mo para depensahan ang sarili mo at mga kaibigan mo. Mas marami kang pera, mas marami kang military units.

Ishi-share ko na lang din sa inyo ang nabasa ko tungkol sa game na ito (pampahaba ng blogpost habang naghihintay ng energy).

The strategy combat game has reached 41 million players in just 25 days, which defeats FarmVille’s 38 million monthly players. – Blog.Games.Com

Biruin mo yun? At mas lalong lalaki pa raw ang population ng Empires and Allies dahil yung mga dating naglalaro ng FarmVille e lumilipat na.

Yung iba ko ngang neighbors sa Empires and Allies, mga 6 – 7 year old e. Nagagalit pa sa mga mommy nila pag ini-invade sila. Kwela talaga.

Kung meron man akong tip na maibibigay sa inyo para sa larong ito, yun ay ang “ENJOY THE GAME”. Isama niyo na ang buong barkada. Sure ako na may mga friends ka na high level na mag pu-protekta sayo. Wag kang matakot.

Paki-bigyan na rin ako ng Liberty Bond. Salamat.