Tag Archives: spoelstra

Coach Spoelstra leads August 7 NBA FIT Air 21 Run

Sabi na nga ba e. (Sabi na nga ba e)
Ramdam ko. (Ramdam ko)

Ahaha. Tatakbo rin ako sa NBA Fit Run pero 10k lang siguro. Injured pa kasi ako e.

August 7, 2011. Mark your calendars. This will be the day that 2 Great Coaches with Filipino blood will join forces; Coach Spoelstra ng Miami Heat sa NBA at Coach Rio ng Runrio Philippine running community.

NBA Fit

Ang layon ng 2-week NBA Fit program ay para ma-promote ang importance ng healthy living para sa mga Pilipino. Dumarami na ang pagkain na nakaka-cancer. Mas napapadalas pa ang laro sa computer kesa sa mga laro sa kalsada na nakakapudpod ng tsinelas.

Starting point will be at 7th Avenue while end point will be at 9th Avenue.

four race categories : 3k, 5k, 10k and 21k.

05:00 21K Begins               – 05:20 10K Begins               – 05:40 5K Begins               – 05:50 3K Begins


Para makapag register sa NBA Fit – Air 21 Run. Pwede kang pumunta sa RunRio website. Yung mga masisipag at may oras na magliwaliw, sa mga Sports Stores kagaya ng ROX sa Boni High Street at Planet Sports.

Kita kits tayo sa race track!

* * * * * * *

Eto Nga pala ang karagdagang Schedule ng NBA Fit sa Pilipinas.

  • Torres High School – Aug 4
  • Araneta Coliseum (NBA Fit Celebrity Challenge) – Aug 5
  • SM Mall of Asia – Aug 6
  • The Fort, Bonifacio Global City – Aug 7
  • SM Mall of Asia – Aug 7

Schedule of NBA Fit in the Philippines

Ayun na. Kaya pala pupunta ang Fil-Am coach ng Miami heat sa Pinas dahil sa NBA Fit. Sure na yun! Magkikita rin tayo Coach Spoelstra!

NBA Fit

NBA FIT — the NBA’s global comprehensive health and wellness program that encourages physical activity and healthy living for children and families through programs and events – high-kicks its 2011 program with a school tour around Metro Manila from July 25 to August 3.

Mabuti na yan para bumalik sa mga larong kinakailangan pagpawisan ang mga kabataan ngayon. Hindi kasi pwedeng puro DOTA na lang ang mga kabataan.

Eto Schedule ng NBA Fit sa Pilipinas.

  • Don Bosco Technical College of Mandaluyong - July 25
  • Lyceum of the Philippines – July 25
  • FEU-FERN – July 26
  • Notre Dame of Greater Manila – July 26,
  • Rizal Technological University – July 27
  • Pasig Catholic College – July 27
  • La Consolacion College Manila – July 28
  • Jose Rizal University – July 28,
  • St Vincent High School – July 29
  • University of the Philippines – July 29
  • National University – August 1
  • Rizal High School – August 2
  • Emilio Aguinaldo College – August 3

So pano mga students, kita-kits tayo sa mga campus ninyo

Miami Heat Coach Erik Spoelstra sa Pinas

I got a word (hindi ko alam kung tismis lang o kung totoo) na darating daw ang first Filipino-American head coach in the NBA na si Erik Spoelsta. Sa wakas, makikita ko na rin in person ang dimples nya.

coach spoelstra

coach spoelstra

Marami akong gustong itanong ke coach; kung ano ang posisyon niya sa Spratlys Islands, kung ano ang ratio ng mga Pinay exes niya sa hindi Pinay tsaka kung nakakain na siya ng betamax, adidas at isaw.

Sa wakas, maitatanong na natin sa kanya ang mga controversial questions kagaya ng; nakasakay na ba siya sa Porsche, marunong ba siya maghugas ng plato, at meron ba siyang TFC sa states.

Habang inaantay natin ang pagdating ni Coach sa Pinas, siguro naman, pwede tayong sumali muna sa aking NBA 3on3 Premium Items giveaway. Malay ninyo, madagdagan ang perks ng Premium packages.