Tag Archives: Sta.Mesa

Balik Sta Mesa

Breaking News. Balik Sta Mesa na po ako.

Tama, hindi na po ako taga Cainta kahit may bills pa rin ako na binabayaran dun. Dito na muna ulit ako sa Sta Mesa. Mas convenient para sa akin. Mas convenient para sa lahat.

Alas siyete ng umaga ang out ko sa trabaho. By 8am, nasa bahay na ako at nakakain na ng breakfas mag-isa. Take note ha, mag-isa akong kakain sa umaga. Wala kasi ang mga tao dahil either nasa labas pa from work o di kaya naman, naghatid ng bata sa eskwelahan.

So diretso paantok. Nood ng mga video clips sa youtube at makikibalita sa mga blogs. Kapag naisipan, magsusulat na rin. Makakatulog ako ng mga 10am-11am. Pwede na yun.

Ang gising ko, 6:20pm. Sampung minuto bago mag-alarm ang celphone ko. Pero hindi pa muna ako babangon. Mag-uubos ako ng oras sapaglalaro ng Coin Dozer (10mins), Level 418 na Candy Crush (25 mins), at Level 57 na Zombie Tsunami (12mins). 7 something ng gabi bago ako mag-dinner. Magko-computer ulit pagkatapos. Magri-ready sa pagpasok sa trabaho ng 8pm at magta-time in para makipagkulitan sa mga Direct Reports pagdating ng 10pm.

Masarap ba ang buhay? Oo.
Masaya ba? Hindi ako sure.

I deserve better.

Simbang Gabi 2012 Schedule – Sacred Heart Parish Sta Mesa – Stop N Shop

bilisan lang natin, late na ako!

Ang schedule ng simbang gabi aka misa de gallo dito ay 30 minutes bago pa ang misa sa Bacood. Yan ang sagot sakin nung tanod na may bitbit na pamalo habang naglalakad ako na parang zombie dahil 30 minutes lang din ang tinulog ko. Dumating kasi mula Singapore ang aming high school princess kaya nagkaroon ng maliit na inuman kagabi.

Para sa akin, maliit. Hindi ako uminom ng marami dahil bukod sa ayaw kong gumastos, kino-kontrol ko ang sarili ko. Plano ko talagang magsimbang gabi at hindi pwedeng maputol ang blog updates ko tungkol dito. Ang tawag dyan, DEDICATION.

Sacred Heart Parish Sta Mesa -Stop N Shop

Sacred Heart Parish Sta Mesa -Stop N Shop

Parang yung Gospel na rin, nakadedicate si Angel Gabriel na kausapin si Mary at sabihin na magkakaanak siya at tatawaging Emanuel, which means God With Us. Annunciation, yan ang unang mystery sa Joyful Mysteries. Nakinig ako sa homilya kaya alam ko.

Basta ang schedule ng simbang gabi sa Sacred Heart Parish Sta Mesa – Stop N Shop ay 4AM. 

Maraming tao dun. Hindi sila bihis para sa okasyon. May mga nakaayos naman pero karamihan pa rin e naka-tsinelas lang. Hindi ko nga alam kung sino ang nakaligo na o hindi pa. Akala ko malaki ang simbahan pero nung makita ko na umaapaw ang tao, maliit pa rin pala talaga ito.

Ok lang naman siguro yun dahil sa normal na araw, hindi rin naman yun napupuno!

 

Simbang Gabi 2012 Schedule – half time report

pasensya na po.

Hindi ko kaya mag blog araw-araw tungkol sa Simbang Gabi aka Misa de Gallo dahil nagwo-work po ako simula 7am til 4pm. Pagkatapos ng work, may mga events pa akong pinupuntahan.

Buti nagkaroon ako ng oras para magsulat ng blog na to para bigyan kayong mga readers ko ng idea kung san pa kayo pwede magsimba para sa 9 day novena pampasko.

Eto ang pictures na may kasama na rin na captions. This will cover for the first 4 days na nakapagsimbang gabi ako. Hindi rin kumpleto ang schedule dahil yung oras lang na nakapagsimba ako ang ibibigay ko.

Hanep sa report noh?! Sorry na, tao lang.

Anyway, enjoy!

Our Lady of Fatima Parish Bacood

Our Lady of Fatima Parish Bacood

FIRST DAY: Nakapagsimba ako ng 4:30am. Maraming tao at medyo suffocating pag sa loob ng simbahan ka nakapwesto. Suggestion ko, sa labas ka na lang para hindi ka mahilo. O kaya, dun ka sa harap umupo para medyo malawak at hindi nakakasakal.

Kailangan na nila palakihin pa yung simbahan. Hindi kaya ng simbahan na ito ang dami ng mga nagsisimba kapag peak hours.

Shrine of the Sacred Heart of Jesus - Makati

Shrine of the Sacred Heart of Jesus – Makati

SECOND DAY: Mayaman ang simbahan na ito. May dalawang misa sa umaga. Isang 4am at isang 5:30AM. Dun ako sa latter para sakto na lang ang paglalakad ko papunta sa office nung natapos ang misa ng 6:30AM. Kumpleto sa gamit, aircon,  at magaling ang choir. English nga lang ang misa at nasakto pa ako sa pari na hindi nagtatagalog. Ang gusto ko pa naman, Tagalog na homily. Para ma-gets ko at maka-relate ng mas maayos.

Sacred Heart of Jesus - Kamuning

Sacred Heart of Jesus – Kamuning

THIRD DAY: Late na ako nakarating sa misa dahil may event pa ako. Actually, siningit lang namin dahil nagbakasakali lang kami. 8PM nagsimula ang misa at nakarating kami nun bandang prayers of the faithful na. Nag-sorry na lang ako at kumanta ng offertory song at communion song ng buo kong lakas. Maraming tao pero ayos lang dahil mataas naman ang roof. May mga electric fan din naman kaya maayos at komportable ang pagsisimba.

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel - Sta.Mesa

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel – Sta.Mesa

FOURTH DAY: Napakaswerte ko sa misa na to dahi si Fr Jerry Orbos ang naging celebrator. Magaling siyang pari. Siya yung madalas natin napapanood sa Sunday TV Mass ng ABS-CBN. Nagmimisa din pala siya sa ospital.

Nasaktohan ko lang na 5am ang misa dahil may mga nakasabay akong naglalakad. Well, ayos lang din yun dahil 1 hour travel ang kailangan ko papuntang Makati area. Hindi man aircon ang simbahan, ayos lang din dahil kaunti lang ang nagsisimba. Hindi ko lang trip ang choir dahil medyo mabagal kumanta sila sister. Nakakaantok talaga para sa akin ang boses ng mga madre.

 

************

O ayan, report ko na yan para sa first half. May limang misa pa akong dapat puntahan para makapag-wish. Ipagdasal po ninyo ako gaya ng pagdarasal ko para sa inyo.

Sorry po sa mga bad comments pero kailangan ko lang maging honest. Maiintindihan sana ako ni Lord pati ng mga readers ko.

Memory Miyerkules Sulok ng Salas

Bahay sa Sta.Mesa, mga anim na taon pa lang ata ako noon.

Kasama kong naglalaro ang bunso naming kapatid na si Choy. Lego ata ang binubuo namin. Mahilig akong bumuo ng robot na inilalaban ko sa kung anumang binuo ng kapatid ko.

Basta yung akin, robot. Yung kanya, mukhang manok na elepante. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang binubuo niya sa lego.

Pabilisan kami makabuo. Kadalasan, ako ang nauuna at susugurin ko kagad ang ginagawa niya kahit hindi pa buo ang kanyang manok. Syempre, pag ganun ang laban, panalo ako.

Isang umaga, nang mabuo ko na ang ginagawa kong robot, napalingon ako kung nasan dapat ang kapatid ko. Wala siya doon, at wala pa rin siyang nabubuo na kahit na ano.

Feeling ko, panalo na ako sa round na yun. Pero dahil mabait akong kapatid, nag-alala ako … San kaya nagtatago yun?

Hinanap ko siya, sa taas, sa kusina (madalas siya sa kusina), sa CR, sa ilalim ng lamesa, wala siya kahit saan.

Nang mabalik ako sa salas, may naamoy akong kakaiba. Sinundan ko ang amoy.

Natagpuan ko ang kapatid ko na nakaupo sa sulok ng salas. Mas lumalakas ang amoy habang papalapit ako sa kanya.

Pagtingin ko sa kanya, umi-ire pa rin siya.

Takbo na ako at hinanap ko si Ate Star, ang yaya ni Choy.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.