Tag Archives: summer job

Memory Miyerkules S3 – First College Summer

Nag-college ako sa DLSU-Manila. Interdisciplinary Business Studies. Walang major. Bahala ka sa path na kukunin mo, basta matuto ka, ayos na.

Pagkatapos ng first year ko sa college (salamat naman at wala akong binagsak na subject), minabuti ko na maghanap ng part time na trabaho. Yung tipong kikita ako ng pera ko. Yung masasabi ko na akin. Gusto ko kasing lumalabas ng bahay paminsan-minsan. Dahil na rin walang allowance kapag summer, sariling sikap ang gagawin mo.

Buti at naghahanap ng Account Consultant ang De La Salle Alumni Association. Ang primary na trabaho, iangat ang telepono at tumawag sa mga establishments in and out of Metro Manila para makipag-partner sa Alumni Card ng DLSAA. Kapag may alumni card ang mga customer nila, bibigyan nila ng discount or special deals.

Ang kapalit, makakasali sila sa catalog ng DLSAA na nakukuha ng mga miyembro. Alam mo naman ang connections ng DLSAA, talagang malawak..

Kumikita ako ng pinakamalaki noon na 5,500 in 2 weeks. Sapat na para makaipon at may maipanggastos sa araw-araw. Doon ako unang nakabili ng sarili kong celphone. Bagay na inaasam-asam ko simula pa noong second year high school ako.

Simple lang naman din kasi ang formula para makapag-explore ka ng mga bagay na di mo akalain na kaya mo. Ang unang step dito ay ang PAGBITAW. Oo, kailangan mong bumitiw sa kung anuman yang pinagkakaabalahan mo. Kailangang magbigay ka ng oras.

Kung kailangang makipagbreak ka sa syota mong ubos-oras, gawin mo!
Kung kailangang mag drop out ka sa school, why not?
Kung kailangang magresign ka sa trabaho, do it now!

Gawin mo! Wag ka nang matakot sumugal, dahil walang nananalo sa Lotto na hindi tumataya.