Tag Archives: summer

Sunog Ako

Kakagaling ko lang sa Puerto Galera. Unang beach for the year 2011. Kahit na nawalan ako ng celphone dahil sa katangahan ko, super enjoy naman ako.

Kasama ko sila Maffie at other friends nila Cam and Pearl. Kahit wala si Cam at Pearl, madali naman akong naka-halubilo sa mga new friends na to. Hindi naman din kasi mahirap sabayan ang trip nila. Kahit hindi sila super sporty, tamang inom at yosi lang din ang ginagawa namin.

Kaso, nagkaproblema ako. Hindi ko na naisipan mag sunblock. Pano naman kasi, makulimlim sa Galera. Nasa gitna na ko ng dagat kapag sumisilip ang matinding sikat ng araw. Ayan tuloy, sunburn ang inabot ko.

Kaya tip ko sa mga magbi-beach ngayon taon; always apply your sunscreen protection. Mahirap na magka-skin cancer.

Eto pala ang before and after pics:

 

Galera, before the sunburn

Macy's binyag with sunburnt skin

So pano? Ingat na lang sa mga natural calamities. Get ready for summer!

Havaianas Race to Hawaii Contest

Hanggang ngayon ba nagpa-plano ka pa rin kung san ka pupunta this summer? Eto muna tignan mo:

Eto mga mekaniks ng contest. click here.

Eto naman ang proof na may weekly winner na. click here.

O, ano pang hinihintay mo? Join na! eto step one. click here.

Havaianas "Always Summer" Launch

Manila Polo Club, Banyan Tree Garden. First time ko makapasok sa lugar na to. Wala naman kasi ako kakilalang member ng club. At pangarap ko rin makapag-laro ng Polo.

Ang pakay namin sa lugar na yun e para makipag-kulitan sa Havaianas team. This 2011, they are giving us the idea that summer is not a season, it is an attitude. Parang familiar lang yung “______ is an Attitude” a. Nabasa ko na yun somewhere.

Well, tama nga naman sila. Summer is the hottest season, and if you want to be always hot, dapat “Always Summer”.

Meron nagzi-zip (Poi ata ang tawag dun), meron reggae music (beach music) at syempre pagkain. Enjoy sobra.

And finally, nakabalik at nakita ko na ulit ang blogging community. They helped me recover through prayers nung nabaril ako. Loads of thanks to all of them.

May Race to Hawaii contest din sila. Pero discus natin sa susunod. Di ko maalala ang full mechanics e.

Eto na lang pictures.

everybody register

NASAN ANG TSINELAS KO!!!

Eat NA

The band wears Flip Flops

The band wears Flip Flops

* All photos are clickable to get to my Havaianas “Always Summer” Launch photo album in Facebook.

** Double thanks to GeislerMaclang for the invite.

P:MM – Summer Lock out

Summer ng year 2000 noon. Walang pasok dahil summer break. Mahusay ako sa school kaya hindi ako nagsa-summer classes. Wala naman ako ginagawa kundi manuod ng TV, makinig sa radyo, at maglibot sa subdivision sa hapon gamit ang bisikletang si Renegade.

1st year going 2nd year HS ako. Bagamat iba na ang school ko, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga tropa ko nung elementary. Masarap kasi silang kasama. Nagchampion na rin kami sa basketball league ng dalawang beses sa team namin na Saints. Continue reading