Tag Archives: Super ex

The Day I Learned The Meaning of LOVE

Hindi ko naman talaga naintindihan ang kahulugan ng salita, pero nalaman ko na kagaya ng hangin, isa ang LOVE sa mga bagay na hindi mo nakikita pero iyong nadarama.

August 12 din nun. 14 years ago. Matapos ang basketbol practice ng Sabado. 12 days officially ng panliligaw ko kay Super Ex. Sinundo niya kami from basketbol practice, kasama ng isa pa naming kaklase. Dumiretso kami sa bahay ng isang teammate at doon nagluto ng pansit canton at hotdog.

Yun ang kinain namin.

Kwentuhan.

Nood ng TV.

Tapatan ng loob.

Sinagot niya ako.

 

Memory Miyerkules S2: Biglaan

Sanay na ako sa pambibigla ng mga tao. Yung character ko kasi, medyo friendly at medyo safe. Pero ang hindi alam ng iba, associated pala ako sa mga taong kilala din nila.

High School. Kwento lang ito ng batch ng kuya ko.

Medyo PDA kasi kami ni Super Ex nun High School. At syempre, napapansin ito ng lahat. Ang love team namin ay inaabangan noon. Usap-usapan ang team up namin ng school na may population na hindi hihigit sa 250 students.

Isang patay na oras sa upper class, nai-kwento daw ng History / Social Studies teacher namin kung ano ang napapansin niya sa team up na Angel-Pepi. Ganun na raw ba talaga ang mga kabataan sa panahon na yun? Ke-bata-bata pa, matapang na at mapusok.

At marami pang sinasabi na kasama din naman sa Social Studies kaya ayos lang.

Ang problema, nasa klase na yun ang kuya ko. Kapatid ko. Pareho kami ng tatay at nanay since birth.

Na hindi naman na-realize ng teacher namin dahil hindi kami magkamukha. Medyo popular din naman kasi ang aming surname.

FYI. Tatlo kami sa klase namin nung High School na pare-pareho ng surname. Hindi kami magkakamag-anak.

Ayun na nga, todo usapan daw. Hindi ko alam kung nahihiya ang kapatid ko na pinag-uusapan at ginagamit ako na example sa klase nila.

Hanggang sa sumagot ang Team Captain ng aming varsity team noon, “wag naman ganyan ma’m, nandito kapatid ni Pepi”.

“Sino?” ang tanong naman nung teacher. Dun lang niya nalaman na magkapatid nga kami ng kuya ko. Akala raw niya joke joke lang.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules Grand Slam

Grand Slam, yang ang term pag tatlong major awards ang nakuha mo sa isang patimpalak.

Noong Second Year High School ako, nagkaroon ng contest sa amin. United Nations week yun at may fashion show para ipakita ang National Costumes ng mga bansa. New Zealand ang napili namin na country.

Ang naging representative para sa fashion show ay ako at si Super Ex. Hindi pa alam sa buong school na mag-on kami noon.

Madali lang gawin ang costume dahil natives of New Zealand ang ginamit namin na mga damit. Halos bahag na may suot lang na parang kurtina na gawa sa bamboo necklace ang sa lalaki at parang sarong lang naman ang sa babae. Kayang kaya ko naman yun i-model.

Nang tinawag na kami, pumasok kami sa stage mula sa gitna. Pagdating sa first point, hinubad ko ang aking polo para makita yung mga bamboo necklace. Wala na ako panloob nun. So parang nakahubad akong nagmomodel.

Naghihiyawan ang lahat ng tao dahil sa boldness ng ginawa ko. Wala nang hiya-hiya. Minsan lang ako makasali sa fashion show kaya nilubos ko na.

Naglakad ako papunta sa kaliwa ng stage habang si Super Ex naman ay sa kanan. Matapos mag-pose, palit naman kami ng lugar, then exit center stage.

Nanalo ako ng tatlong awards dahil sa ginawa ko; Best Pair kami ni Super Ex, Best Male Model ako at Best in Costume din.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

P: MM – Maybe This Time

First year High School. Napagtripan ng teacher namin sa English na si Ms Aurora na magpatakbo ng play sa classroom. At ang napiling story: Cinderella.

Lahat naman tayo siguro alam ang story ng Cinderella. Kahit ang aming director na si GORI ay hindi na naisipan gumawa ng script.

Hati-hati ng trabaho. Ako, dahil tamad ako, ginawa akong lead role; Prince Charming. Ayos na yun dahil wala ka sa pre-production pag lead role ka. Ang iisipin mo na lang ay internalization of character, costume at syempre pa, script.

Ang napiling lead role na Cinderella ay si SMIKAI. Ok naman ang chemistry namin dahil naging kaklase ko na siya noong elementary ako sa Dominican College. Grade 2 hanggang grade 4 ko ata siya kaklase nun. Sikreto lang natin to ha pero ang balita e nung lumipat na si SMIKAI sa Laguna BelAir School, ako ang ikinukwento raw niya na crush niya. Hindi ako sure ha.

Anyway, pinatakbo na ang storya. Kanya-kanyang bitaw ng linya. Kanya-kanyang arte, takbo ng usapan. Enter stage left, exit stage right. Nakakatuwa ang mga pinaggagagawa namin.

Magaling ang mga propsmen and women. Pinakamahusay ang musical scoring (musical director si Super Ex *hindi pa kami noon).

Nang dumating ang finale at nakita na ni Prince Charming ang babae na sukat na sukat ang paa sa Glass Slippers, pinatugtog na ang huling kanta.

Ang napiling kanta ni Super Ex, “Maybe This Time” by Michael Martin Murphy

Hindi ko alam pero baka nga yun na ang chance para kami ng dati kong kaklase na si SMIKAI e dapat mag Maybe This Time.

http://youtu.be/QxXCPYqTz8Y

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.