Tag Archives: surfing

Hindi Ka Pa Ba Nakapag-BEACH This 2012?

Naku, kung matutuloy ang end of the world this coming December 21, 2012, kawawa ka naman. Hindi na naging memorable ang huling bisita mo sa beach.

Kaya nga andito ang Travel Factor para samahan ka makapag-beach. At hindi lang basta-bastang beach ang pinag-uusapan natin dito ha. This is FOREVER SUMMER sa Baler Aurora. Dadalhin ng Team Travel Factor ang mga DJ ng Manila para sa isang final weekend ng sayawan sa beach. Syempre, hindi kumpleto ang party pag walang alak.

Oo nga pala, Baler Aurora is a place for waves din. Kung trip mo mag-surfing, let’s go na!

FOREVER SUMMER is happening on May 26-27. We still have around 20 slots and it’ll be so awesome kung mapupuno natin. Ayaw naman namin sa Travel Factor na kami lang ang mag-eenjoy. Syempre gusto namin kasama rin kayo.

SIGN UP DEADLINE IS ON MAY 15, 2012!

Forever Summer

Ang package is P3,900. Kasama na dito ang transpo, accomodation at ilang mga meals. Sagot na rin namin ang music. May free Tshirts pa to at Travel Factor ID para sa souvenir.

At syempre pa, kasama mo ang Team Travel Factor sa isang epic party! San ka pa, di ba?

For more information about the trip, click ka lang DITO.

Comment ka lang dito sa baba kung gusto mo sumama at baka mabigyan kita ng “special something” pag nag-sign up ka through me.

Another thing, wala akong plano mag-celebrate ng birthday ko this year. Kung gusto mo magpalibre sa akin, dapat sumama ka sa Forever Summer.

SURFING sa Bagasbas Beach

Last Weekend, nagkaroon ako ng chance makapag UBBE sa Calaguas at makapag SURFVIVOR sa Bagasbas dahil sa Travel Factor.

Again, Travel Factor .Org, WE KNOW ADVENTURE. Click lang sa image para sa available slots sa susunod na mga adventures.

Travel Factor

We Know Adventure

Highlight ng TRIP ko yung surfing. First time ko mag surf. With 400 pesos all in, meron ka nang surfboard rent with matching 1 hour surfing sa beach with instructor.

Sapat lang ang 1 hour para matutunan mo ang basics. Dapat lang, marunong kang umintindi sa mga pointers na sasabihin sayo ng instructor. Marunong ka rin dapat mag-observe. Lahat ng napapansin mo, dapat sabihin mo sa instructor.

Hindi kailangan na marunong kang lumangoy.

Kagaya na lang nung akin, napansin ko na lumulubog ang harap ng surfboard pag tatayo na ako. Sabi ng instructor, pwedeng dahil yun sa yung kamay ko ay wala sa chest, o di kaya, pag step ng lead foot ko, medyo lampas sa center of gravity ng board. Pwede rin naman na wala talaga sa posisyon yung katawan ko.

Napansin ko rin na medyo mabagal yung pagtayo ko. Sabi ng instructor, hindi daw naka-ready ang muscles ko. Oo nga, dapat relax pero dapat handa ang utak ko at sure naman na susunod ang katawan ko.

Grabe talaga na experience yun. Mga ilang beses rin akong nahulog sa surf board. Sa sobrang lakas ng alon, tatangayin ang board at hihilahin ako. Inuubos ko na lang ang hangin sa lungs ko para sa breathing control. Mababaw naman ang beach e.

May mga chance na hindi ako tatayo kaagad hangga’t hindi ako sure na malayo na sa akin ang surfboard. Mahirap na, baka ma-injury pa ako.

Sa huli, nakuha ko rin ang pagsu-surf. Yung huling tatlong wave ko, successful ang ride. Tuwang tuwa ako.

Hang Loose

salamat sa Roam-A-Holic para sa pic

Si kuya Carlo/Caloy ang instructor ko. Hang Loose ang pangalan ng shop. Ang shop owner ay si Ate Mabel. Naka-dress yun parati at nakapayong.

Puntahan ninyo siya pag nasa Balasbas Beach kayo.