- Hailing from different pods.
- Malulupit na singing voice.
- Mahimbing na tulog.
- Magagandang mga katawan.
- Malalaswang kaganapan.
- Masasarap na pagkain.
- Nakakabighaning star-studded cast.
Ganito kami magtanggal ng stress!
Ganito kami magtanggal ng stress!
Nakapunta na ba kayo sa Munting Buhangin Beach Resort sa Nasugbu Batangas? Sobrang simple lang ang pagpunta doon.
Dahil wala naman akong kotse, nagcommute lang kami papunta. Eto ang step by step procedures kung pano pumunta:
1) Magpunta either sa Baclaran kalsada o sa Coastal Mall.
2) Mag-abang ng Mindanao Express na bus na biyaheng Nasugbu.
3) Sumakay at magbayad. Maglaan ng 200 pesos dahil may sasakay na nagbebenta ng burger sa may bandang Cavite.
3) Mag-antay ng halos dalawa hanggang taltong oras kapag peak hours.
4) Bumaba sa bayan ng Nasugbu, pumasok sa Jollibee para maki-CR. Pumasok na rin sa 7-11 para bumili ng kung anu-anong gustung baunin sa beach.
5) Makipagusap sa tricycle at makipagtawaran ng presyo. 200 ang going rate papunta sa Munting Buhangin. Pwede mo pababain hanggang 150.
6) Sumakay sa tricycle. Pagdating sa destinasyon, makipag-usap sa mga tao doon para makakuha ng magandang lugar.
7) Kumain, Lumangoy at mag-enjoy.*Paalala: walang istasyon ng bus sa Buendia na diretso sa Nasugbu. Wag mo nang ipagpilitan.
Eto nga pala ang pictures namin:
Para next year, marunong ka na magpunta!
Posted in Milestones, Personalan
Tagged baclaran, batangas, beach, cavite, coastal mall, going to, mindanao express, munting buhangin, nasugbu, outing, papunta, punta, resort, summer, swimming