Tag Archives: sydney

Extended Lockdown Birthday Giveaway!

WIN 2,500 pesos each for you and a friend.

Hindi kami makakapag Samgyup o Jollibee. Hindi kami makakapasyal sa mall o sa park. Wala din kaming mga bisita na makakapunta. Pahirapan pa ang cake at onting handa.

Walang photoshoot na mangyayari.

Pwede naman sa loob ng bahay pero wala kaming mabilhan ng balloons at banners. Wala din kaming mabili na bagong damit o bagong laruan.

Pano kami mags-celebrate neto?

Birthday pa naman ni Sydney Sanggol at gaya ng ibang parents, gusto naman namin na maging memorable ang kada birthday ng anak namin.

Don’t get me wrong, may budget na po para sa mga ganitong occassion, simula pa lang ng taon. Kaya nga nakapanghihinayang, dahil extended until April 30 ang ating Lockdown dito sa Luzon.

Kaya naman, naisip namin na mag-share na lang sa inyo para naman makapagcelebrate tayo ng kaunti. Para pandagdag na rin sa budget ninyo. Hindi kasi lahat, may panggastos pa. Hindi lahat, nabibigyan ng ayuda. Hindi din lahat, nakatatanggap ng bigas galing ke Mayor.

Ang twist neto, pag nanalo ka, makakapagshare ka din. Just tell us kung sino ang gusto mo pang bigyan ng budget at kami na ang bahala magpadala ng 1k via GCash or Paymaya. Pwedeng friend, pwede rin Charitable Institution.

Kapalit lang na hinihingi namin e ang simpleng pag-like lang sa KnP FB page at pag share ng mini contest na ito. Samahan mo na rin ng simpleng greeting para ke SydneySanggol.

MECHANICS:
1) Like the Kampeon Ng Pagibig fan page.https://www.facebook.com/kampeonngpagibig/.
2) Share this post to your wall publicly and tag at least 3 friends. 1FB Account = 1Entry.
3) Use the hashtag #KnPGiveaway #ExtendedLockdown #SydneyTurns2 alongside a simple birthday greeting for Sydney Sanggol.

WINNER will be drawn via FB LIVE on April 13, around 7pm.

Sydney, Now Showing






“sir, magdala na po kayo ng camera sa delivery room.” patapik na paggising sa akin ng nurse. Katabi ko ang nanay ko sa room 325 habang natutulog kami. Ngayon na lang ulit ako nakatulog katabi ng nanay ko, inistorbo niya pa ako.

Pero sinunod ko naman siya. Kahit hindi ko siya kilala, sumunod na lang ako.

Lampas sampung oras na rin si Soprano One sa Labor room. Five thirty na ng umaga. Six oclock pa Kagabi nung siya ay pumasok doon.

Pagdating ko sa delivery room, hinanda ko na ang sarili ko na pumasok sa kwarto. Kaso, cellphone ko lang ang pinapasok nila. Sinabihan ako na mag antay na lang sa labas.

Pagtalikod ko, nakasunod na ang mami ko. Gusto rin niya makita ang baby. Or, ayaw nya lang matulog na walang katabi…

A few minutes after, narinig ko ang iyak ng isang bata galing sa loob ng delivery room. Malakas ang pag ngawa. Kahit sound proof ang delivery room, tumatagos ang boses ng bata papunta sa tenga ng magulang. OMG, may superpowers na ako!

Walang tatlumpung segundo nung tinawag ako ulit ng nurse. Pinapasok ako, pinagbihis, pinagpalit ng tsinelas, pinaghugas ng kamay, at sinabihan na magpicture sa loob.

Ang nadampot ko na pampicture – phone ni mami. Sa sobrang exciting ng happenings kasama ang tatlong doktor at kalahating dosenang nurses, anim na photos lang nakuha ko.

Bukas, matutulog na rin ako sa kama hindi na bilang isang anak na katabi ang kanyang nanay, kundi bilang isang ama na katabi ang kanyang anak.

Teka lang, asan na yung phone na inabot ko sa nanggising sakin?