Tag Archives: takbo

KnP Will CONQUER 21k at Li-Ning Manila Run This June 28

#BalikTakbuhan #TwentiWanKei #LiningManilaRun

Akalain mo yun, babalik ang inyong lingkod sa takbuhan. Ayoko na kasi maiwan ulit.

Li-Ning, siya ay isang gymnast from China na nagsimula ng apparel business. Sa pagpenetrate ng kanyang brand sa Pilipinas, dala niya ang basketball shoes ni Dwyane Wade, at mga gears ng iba’t iba pang sikat na athletes sa buong mundo.

Markahan na ninyo ang isa sa pinaka-importanteng araw sa taong ito; June 28, birthday ng babe ko. At the same time, #LiningManilaRun na. Tandaan ang hashtag. Gamitin natin sa tama.

LMR2015-POSTER-HR_thumb

Maraming outlets na pwede pagbilhan ng Li-Ning Apparels. Dun na rin tayo pwede makakuha ng race kits.

 

Li-Ning Manila Run 2015

When:                            June 28, 2015 (Sunday)
Where:                           Seaside Blvd., Mall of Asia Grounds
Race Categories:        5k, 10k, 21k
Gun Start Times:

  • 5k – 5:45am
  • 10k – 5:30am
  • 21k – 4:30am

Race Organizer:         RG Events

 

Li-Ning Manila Run Registration Details:

Registration Fee:

  • 5k – P700
  • 10k – P800
  • 21k – P1000

*inclusive of race kit, bib, timing chip, raffle stub, your choice of Li-Ning Quick Dry Singlet and finishers medal for all categories

*inclusive of additional Li-Ning Quick Dry Singlet for 21k finishers

 

Registration Period: May 1-30, 2015

 

Registration Sites:

  • Juego Trinoma – 3/F Trinoma Mall, Edsa Cor. North Ave. Quezon City (02-9018985)
  • Juego Market Market – 4th Level Market! Market!, 26th St. Cor. C5 Bonifacio Gloabal City (02-7922180)
  • Juego Greenbelt 4 – 2nd Level Greenbelt 4, Makati Ave., Cor. Dela Rosa St., Ayala Center, Makati (02-7575881)
  • Juego Alabang Town Center – 3/F Alabang Town Center, Muntinlupa City (02-8083961)
  • Li-Ning Mall of Asia – 2/F South Entertainment Mall, Mall of Asia (02-7304474)

 

Tandaan: The color of the Singlet is based on the store where you purchased your race kits. Para mas maintindihan, tignan ninyo ang pictures sa ibaba:

Li-Ning MOA:

MOA-Male_thumb MOA-Female_thumb

Juego ATC

ATC-Male_thumb ATC-Female_thumb

 

 

Juego Greenbelt.

 

 

Greenbelt-4-Female-2_thumb Greenbelt-4-Female-1_thumb

Juego Market Market.

Market-Market-Male_thumb Market-Market-Female_thumb

Juego Trinoma

Trinoma-Male_thumb Trinoma-Fem_thumb

Here are the Race Routes:

Route-21k-LR_thumb Route-10k-LR_thumb Route-5k-LR_thumb

Finishers’ Medal and Shirt.

MEDAL_thumb

Finisher-M-F

For more details, visit:
Li-Ning FB Page: https://www.facebook.com/LiNing.Philippines
or contact (for urgent inquiries) Cristina Isanan (0926-223-7977)

Bonus Trivia:

Li-Ning will soon have a store in Solenad. It is scheduled to open on the 3rd quarter of 2015. Watch out for that.

Red Bull USED My Photos on Facebook on their FB page

Nakakagulat lang, andaming comments/shares nung mga Photos ko galing nung Reverse The Bad Running Event ng WWF last Sunday. Hindi ko alam kung bakit humihingi sa akin ng Red Bull products yung mga tao na nakakakita ng photos.

So hinanap ko kung bakit naging medyo VIRAL ang aking pictures. There must be something/someone who created the buzz, at siya nga naman at antuklasan ko na anim sa mga photos ko ay nai-share ng Red Bull sa kanilang Fan page.

Sponsor kasi sila nun event. May booth sila doon. Lahat ng finishers, binibigyan ng isang bote ng RedBull pampalakas. Astig di ba?

Redbull Supreme shared my photos on their FB page

Redbull Supreme shared my photos on their FB page (click the image)

Hindi ko naman sila pwedeng sawayin dahil nag-share lang naman sila. Isa pa, kitang-kita naman sa wall nila na Pepi De Leon’s photo yun.

Yung mga fans nila na nagko-comment ang nakakatuwa. Magaganda yung mga comments nila sa pictures ko. Nakakataba ng puso.

May nagsasabi pa na magandang match ang RedBull at saging dahil pampalakas talaga to.

Kaya naman nagpadala ako sa RedBull ng Private Message. Gusto ko sana humingi ng kaunting grasya sa kanila since ginamit naman nila ang pictures ko. Pag naiayos ko to, magpapa-contest ako ng RedBull products sa blog ko.

Sana lang, magreply sila, hehehe.

these pictures can be seen on the RedBull Supreme FB page

these pictures can be seen on the RedBull Supreme FB page

Salamat sa WithoutLimits at WWF para sa Reverse The Bad run. Salamat sa Campaigns & Grey na nag-invite sa akin to cover the event.

May Chismis Ako Tungkol Sa AmCham Run For A Scholar

Oo, tama ang basa mo, singular na Scholar yan. Hindi Scholars.

Hindi naman ibig sabihin nito na tatakbo tayo para suportahan ang edukasyon ng iisa lang. Ang swerte naman ng Totoy o Nene na ito at tuma-target ng 3000 runners ang American Chamber Foundation para sumuporta sa kanyang pag-aaral.

Run For A Scholar

Gusto lang i-stress ng AmCham Foundation na hindi quantity education ang binibigay nilang scholarship program. Piling-pili ang mga estudyante at sa matataas na uri ng paaralan sila pinapadala.

Oo, private schools. Hindi ko minamaliit ang public schools pero ganun ang realidad sa Pilipinas. Tanggapin na muna natin yun!

Simple lang to, tatakbo tayo sa May 27, 2012. Ito ang Sunday bago ang aking birthday. Kapag medyo ok ang aking finances, diretso party pa tayo. Sagot ko, basta promise ninyo sa akin na tatakbo kayo para sa Scholar.

Hindi ko na palalampasin pa, nakita naman ninyo ang poster sa taas di ba? Tignan na lang ninyo ang mga makukuha ninyo pag tumakbo kayo.

AmCHam Run for a Scholar freebies

Naniniwala rin ako na para maka-focus ang estudyante sa pag-aaral, dapat hindi na niya ito sinasabay sa trabaho. Noong College ako, nag part time job din ako pero yun ay dahil alam ko na mas matututo ako kapag ina-apply ko sa actual experience ang natututunan ko sa classroom.

Pero sa High School at Elementary, dapat focus lang sa aral.
Mahirap Kaya mag-exam na iniisip mo pa rin kung may kakainin pa kayo bukas.

Chismis lang ha, balita ko tatakbo din para sa Scholar sila Ronnie Rickets, Diether Ocampo at Eda Nolan. Magpapa-picture at magpe-pace ako ke Junniper (Eda Nolan) pag ganun.

Sagot ko na Tuition Fee mo, basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.

Running Tips – No Cellphone

Ugali ko kasing tumakbo na may cellphone. Importante kasi sa akin na kapag na-bore ako, magti-text ako o tatawag kung kani-kanino. Kaya pag tumatakbo ako, nakagawian ko na dalhin sa pagtakbo ang aking Samsung Champ.

Kung normal na cellphone ang dala ko, mas madali sana magtext. Level 3 kiti-ki-text ako kaya keri ko magtext without looking at my cellphone. Ang kaso, hindi normal na cellphone ang dala ko. Touchscreen ang Samsung Champ. Kailangan ko mag-focus sa pagti-text kaya napapalakad ako.

No Cellphones

No Cellphones Allowed

Minsan, ginagawa kong misyon na makalagpas ng limang blocks bago ako magreply kapag tumunog ang cellphone ko habang tumatakbo. Kaso, hindi advisable yun dahil nagre-relax ang muscles ko pag naglalakad ako at mahirap maibalik ang aking rhythm.

Kaya ang tip ko ngayon, wag ka na magdadala ng cellphone kapag tumatakbo ka. Magsuot ka ng relo kung ang dahilan mo e may bini-beat ka na oras. Kung emergency cases naman ang reason mo, make sure na tumatakbo kayo in a group at meron kayong sweeper.

It worked for me, medyo nakarating ako ng mas mabilis sa A Runner’s Circle store kahapon kaya nakabili pa ako ng dried pusit. Napagbigyan ko na rin sa wakas ang cravings ko dahil nga hindi ko dinala ang cellphone ko.

Sa susunod na pagtakbo, iiwan ko na ang cellphone ko para matapos ko ang 10k route within 1 hour.

I would want to avoid any distractions and my cellphone is one of them.
– Pepi on running.