Tag Archives: tanong

Memory Miyerkules Tanong

Meron akong teacher dati sa MAPE noong elementary. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero pag nagpa-recitation siya, may isa hanggang tatlong estudyante lang siyang tatawagin sa buong 40 minutes para lang gisahin.

At malabo pa siya mag-gisa. Mas madadalian siguro siya mang-gisa noon kung uso na ang Magic Sarap.

Magic Sarap

photo from SariSariCart.com

Ang klase niya ng tanong is Postive then biglang kabig sa negative. Magtatanong muna siya ng “Do you agree?” na question. Then pag nag-agree ka na, saka ka babatuhin ng facts para mag disagree ka pero pag nagpalit ka naman ng isip sa kalagitnaan ng reciation mo, maghahanap na siya ng “Anyone who wants to answer?” para ipamukha sa iyo na mali ka.

Nakakainis yung ganoon. Buti na lang sa mga beauty pageant, hindi nauso ang debate. Isang tanong, isang sagot, I thank you bow na ang kasunod.

Pumasa naman ako sa klase niya, kahit na talagang malabo ang pagtatanong niya. Mga isa o dalawang beses din akong natawag noon at hindi talaga ako nagpatinag. I sticked to my decision na hindi ako maga-agree sa lahat ng sasabihin niya. Nakipagsabayan ako ng arguments gamit ang common sense. Wala naman akong ibang bala kundi sentido kumon e.

Challenge Question/s

Nag implement ang host ng website na ito ng bagong security level. Pag log in ko kanina sa aking control panel, bumulaga sa akin ang page na nanghihingi ng mga challenge questions. Tatlo ang hinihingi; dati kasi, isang challenge question lang, solve na.

Napaisip tuloy ako, anu anong mga klase ng tanong ba na ako lang ang nakakaalam ng sagot. Yun bang challenge question na ang information ay hindi ko basta basta na lang na ibo-brodkast sa facebook, sa twitter o sa plurk. Yun bang tanong na kahit si hon ay hindi kayang sagutin. Continue reading

Itanong mo kay …

May mga questions na mahirap itanong. Yun bang hindi mo alam kung sasagutin ba niya ang tanong o di kaya naman ay baka sobrang sophisticated ng sagot niya na hindi mo na maintindihan. Pero ganun pa man, lahat ng conversation ay nagsisimula at nagpapatuloy dahil sa mga question mark.

Pansinin mo, yung mga punchline at pick up lines na ginagamit natin, di ba kadalasan, may tanong doon?

Iba’t iba rin ang mga dahilan kung bakit mahirap magtanong: Continue reading