Tag Archives: target

Catch The Top Battle Emcees at Club Coco this September 13 Thursday

September 13, 2012, Thursday, sa Coco Super Club sa Laguna. Madali lang puntahan yun. Sumakay ka lang ng bus papunta sa Pacita, madadaanan na yung lugar.

Top Battle Emcees. Actually, hindi lang yung mga battle emcees, andyan din ang mga malulupit na rapper.

Eto ang poster para hindi kayo maligaw.

Laguna Rock The Mic Rap Battle 2012

Laguna Rock The Mic Rap Battle 2012

Para sa balita tungkol sa event na ito, i-like ninyo ang CocoSuperclub FB fan page.

Kung hindi mo naintindihan ang poster, 200 ang entrance fee. Nandun si Smugglaz, Joseph Amara, Mike Kosa, Abra, Zaito, Daddy Joe D, Negatibo. Free 2 drinks.

Si J-Hon ang emcee, so malamang, 28 years na naman bago mag-start ang mga battle.

Magkita-kita tayo dun.

Nabalitaan ko lang din ang event dahil sa video na to:

 

Congrats nga pala kay Smugglaz at Shehyee, sila ang nag-champion sa Dos Por Dos!

Counter Blog: OPM isn’t dead you idiot.

Basahin ang original post dito: CLICK HERE.

Tama, OPM is not dead, at tama rin na matuturing na BOBO o INUTIL ang nagsasabi na dead na nga ang OPM.

Unang-una, hindi lang Pop at Rock ang music genre na meron ang Pinas. Meron din tayong Hiphop na pinamunuan ng ating Master Rapper na si Francis M, may he rest in peace.

2 years ago nang mabuo ang FlipTop Battle League. Matapos ang ilang buwan, nag-decide ako na pakinggan na rin ang musika ng mga Battle Emcees dahil na bore ako sa kakaulit-ulit ng mga battles nila Dello, Batas, Loonie, Abra, Zaito, at Target. Para na rin malaman ko kung anong kanta ang ginagamit nila sa intro nila.

Nagulat na lang din ako dahil andami palang mga kanta na ginawa ng mga taong ito bago pa man umusbong ang FlipTop. May mga YouTube Channels sila at may mga soundcloud accounts kung saan pwede mo mapakinggan ang kanilang mga obra. Hindi naging mahirap sa akin ang paghahanap ng mga kanta nila.

At na-enjoy ko naman talaga dahil nakaka-appreciate naman din talaga ako ng hiphop.

Bilang patunay, eto ang ilan sa mga accounts nila na pwede mong pakinggan ng kanilang mga kanta:

http://skwaterhawz.blogspot.com/
http://www.flipmusicproductions.com/

Sample lang yan dahil yan lang ang mga alam kong Web site from the top of my head. Yung mga artists ngayon, bakit kaya hindi nila subukan na gawin ang ginagawa ng mga ito.

Gawa lang tayo ng kanta at upload lang. Mapapansin din tayo. Kung nasa puso mo talaga ang musika, bakit hindi?!

At wag kang umasa na sa isang kanta lang e sisikat ka na!

 

Target and KJah @ Vuclip Event – battle rap review

Astig ang laban na to. Ganito talaga dapat ang talastasan. Ibang level kasi si KJah at sinabayan siya ni Target sa ganitong klase ng battle, at masasabi ko na mahusay ang pagkaka sabay ni Target.

First to spit si Target at usual na Fliptop ang ginamit niya. Nang bumitaw naman si KJah, dinala niya ang battle sa palaliman. Nag-expect si Target ng bitaw na pambebenga na usual sa laban sa Fliptop pero hindi siya nakakuha kahit isa.

Kaya sa round two, bumitaw si Target na naghahamon kung ano ba talaga ang gusto ni KJah na klase ng laban. Syempre, handa si KJah sa pagsagot na pagkampihan at pagtuturo sa ibang tao kung ano ba talaga ang pinaglalaban nila sa Fliptop.

Pero akala ko talaga, sa round three, hindi makakasabay si Target. Mali ako. Napataas pa nga ako ng kamay nun na parang si Robin Padilla. Ang huling verse naman ni KJah ay pagpapatunay na hindi nagkamali ang Vuclip na imbitahan ang Fliptop na mag-endorso ng kanilang produkto.

Anlupit ng battle na yun. Palaliman talaga. Oo, mas malalim si KJah pero bilib pa rin ako kay Target dahil nasabayan niya ang gustong klase ng battle ni KJah.

Hindi ko alam kung ano ang Vuclip at kung binayaran nila ang Fliptop para mag-perform sa event na yun. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi sila nagkamali sa pagkuha ng mga battle emcees na mag endorse ng products. Magaling si KJah sa palaliman na parang technology na ini-introduce ng Vuclip. Mahusay din si Target na parang flexibility ng product na kung ano meron ang Vuclip.

Ibang level na ang Fliptop. Product endorsers na!