Tag Archives: tawag ng tanghalan

What If Shantal Cuizon Was Gong-ed in TNT

Araw- araw kami nanonood ni Soprano One ng Tawag ng Tanghalan. Segment yun sa It’s Showtime ng ABS-CBN for 2-3 years now. si Janine Berdin ang winner nila last season.

Pinapanood ni Soprano On yun araw-araw. Critical siya sa mga sharp at flat. Pag may ka-choir sila na hindi marunong tumuldok ng nota, binubuhat nila – para umayos ang kanta. Ako naman, pinapanood ko lang siya dahil KAMPEON ang tawag nila sa mga winner nila. Kinikilala ng mga Kampeon ang mga kapwa niya Kampeon.

Quarter finals ngayon; quarter 4 ng season 2019. May mga mahuhusay na nakapasok nasa grand finals gaya nina Elaine Duran at John Mark Saga. May mga di rin ganun kahuhusay pero nakakatungtong ng entablado at nakakahawak ng golden mikropono. Malakas siguro ang swerte nila – puro mga SingTunado ang nakakatapat nila kaya madali lang nilang ma-defend ang kanilang title.

Dito papasok si Shantal Cuizon, isa sa mga quarter finalist ng quarter 4 2019.

Umabot siya hanggang sa 6th day ng Quarter finals, kahit na sintunado siya nung simula nung Tuesday pa lang.

Nakakanta siya ng Saturday kahit na itinatawid niya lang ang performance niya since Day 1.

May hawak pa rin siyang golden mikropono kahit na sablay ang mga birit niya on a daily basis.

Nakalaban pa rin niya sina Violeta at Dior kahit na higit sa tatlo ang off tune notes niya kada round ng quarter finals.

Pinabayaan pa rin siyang magperform kahit na binastos niya sa Twitter si Punong Hurado Louie Ocampo, at nagsisigaw ng HUSTISYA! na parang ilegal vendor na nagrarally sa harap ng Manila City Hall.

Nakapag plastic style – public apology pa siya kahit na inis na inis sa kanya si unkabogable Vice Ganda.

Puro awkward moments ang pag siya na ang kumakanta.

Kasalanan ito ni Gary V at Ogie Alcasid dahil hindi nila ginong si Shantal.

Ryan Bang waiting for a gong signal . Shantal Cuizon praying for a miracle. Louie Ocampo wishing he did not judge this segment.

Ryan Bang waiting for a gong signal . Shantal Cuizon praying for a miracle. Louie Ocampo wishing he did not judge this segment. (photo taken from ABS page)

Kung ako yun, igo-gong ko ilong nun.