Tag Archives: teacher

Memory Miyerkules S2: Biglaan

Sanay na ako sa pambibigla ng mga tao. Yung character ko kasi, medyo friendly at medyo safe. Pero ang hindi alam ng iba, associated pala ako sa mga taong kilala din nila.

High School. Kwento lang ito ng batch ng kuya ko.

Medyo PDA kasi kami ni Super Ex nun High School. At syempre, napapansin ito ng lahat. Ang love team namin ay inaabangan noon. Usap-usapan ang team up namin ng school na may population na hindi hihigit sa 250 students.

Isang patay na oras sa upper class, nai-kwento daw ng History / Social Studies teacher namin kung ano ang napapansin niya sa team up na Angel-Pepi. Ganun na raw ba talaga ang mga kabataan sa panahon na yun? Ke-bata-bata pa, matapang na at mapusok.

At marami pang sinasabi na kasama din naman sa Social Studies kaya ayos lang.

Ang problema, nasa klase na yun ang kuya ko. Kapatid ko. Pareho kami ng tatay at nanay since birth.

Na hindi naman na-realize ng teacher namin dahil hindi kami magkamukha. Medyo popular din naman kasi ang aming surname.

FYI. Tatlo kami sa klase namin nung High School na pare-pareho ng surname. Hindi kami magkakamag-anak.

Ayun na nga, todo usapan daw. Hindi ko alam kung nahihiya ang kapatid ko na pinag-uusapan at ginagamit ako na example sa klase nila.

Hanggang sa sumagot ang Team Captain ng aming varsity team noon, “wag naman ganyan ma’m, nandito kapatid ni Pepi”.

“Sino?” ang tanong naman nung teacher. Dun lang niya nalaman na magkapatid nga kami ng kuya ko. Akala raw niya joke joke lang.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules Teacher for a Day

Elementary days. Grade 5 ata ako nun. First class sa umaga ay religion at hindi dumating yung madre na teacher namin. Hindi ko alam kung baket.

President ata ako ng klase namin. Hindi ko rin maalala kung naging President ako ng klase noon pero sure ako na tumayo ako sa harap para maging teacher.

Ang gulo ko ba magkwento?

Basta, nandoon ako sa harap ng klase. sa likuran ng teacher’s table, nakabukas ang libro at nagbabasa ng kaunti bago magbigay ng sarili kong explanation.

English ang libro, so sa salitang English ko rin siya babasahin. Pag nagbitaw ako ng explanation, Tagalog ang ginagamit ko.

Hindi ata nagi-gets ng mga kaklase ko na medyo tina-translate ko lang ang binabasa ko para mas madali namin maintindihan. Well, yun naman ata talaga ang role ng teacher, i-translate ang content ng libro at ilagay sa konteksto na maiintindihan ng estudyante. Sounds simple di ba?

Pero hindi pala ganoon kadali. Pag nag dwell ka na sa kinukwento mo, mawawala ka sa flow ng lesson at baka kung saan saan kayo makarating. Kapag hindi ka naman huminto at pinakinggan ang pulso ng klase, baka hindi nila maintindihan ang lesson.

Gumamit pa nga ako ng technique noon e. Pinabasa ko sa kaklase ang isa hanggang dalawang paragraph. Habang binabasa niya, iniisip ko na yung concept at kung paano ito ie-explain. Pag hindi ka nakakuha ng “nod” habang nage-explain ka, hindi ka successful.

*Happy Teacher’s Day sa mga guro. Lalung-lalo na sa EXPERIENCE (the best teacher).

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Dahil sa Ulan

Grade 1 ata ako non. Dito rin kami sa Sta.Mesa pa nakatira. Nag-announce ang DECS (Department of Education, Culture and Sports) na walang pasok dahil signal number 1.

DECS ang dating pangalan ng pinagsamang DepEd at CHED. Malawak kasi ang saklaw ng DECS kaya hinimay nila para maka-pokus sa mga dapat gawin.

Anyway, too late na nag-announce ang DECS na walang pasok. Mga 1 hour na lang ata nun bago mag-start ang klase namin. E bihis na ko ng uniform ko. Sinabihan na lang ako ng yaya ko na magpalit ng pambahay. Sure daw siya na walang pasok.

patak ng ulan

Wala akong tiwala ke yaya, pero sumunod na rin ako sa utos.

Maya-maya, dumating ang school service ko. Lahat ng mga ka-service ko, nag-aantay na sa labas ng gate namin. Nahihiya ako dahil nga sila, nakabihis na at ako, nakapambahay lang.

Tumakbo ako papasok ng bahay at nagtago sa ilalim ng kama dahil sa hiya. Mga isang oras din ako doon. Hindi naman ako hinanap ng kahit na sino.

Siguro nga, kinausap ni yaya ko ang driver ng school service at lahat ng mga kaklase ko. Sinabi na niya siguro na wala ngang pasok.

Nasabi ko na bang wala akong tiwala sa yaya ko?

Nang sumunod na araw na may pasok na dahil wala nang bagyo, tinanong ko teacher ko, “Wala po ba talagang pasok kahapon?”

“Wala”, sagot ni teacher.

“A ok po.”

Mukhang dapat ko pagkatiwalaan pa ng mas mabuti ang yaya ko.

 

Memory Miyerkules Pambura

Grade 2 ako nun. 8 years old. Normal na araw kasama ang pito kong kaklase at si Mrs. Divina. Nagsusulat kami sa papel, may ginagawa ata kaming lecture notes.

Paglingon ko sa may pintuan, nakadungaw ang mommy ko. Hindi ko alam bat siya nasa school nung araw na yun. Kumaway siya, kumaway din ako.

Akala ko talaga nagpunta siya para kausapin ako. Ineexpect ko na ipu-pull out niya ako sa klase. Maiinggit mga kaklase ko kapag ganun. Biruin mo, apat na oras lang kayo sa school pero nami-miss ka na kagad ng nanay mo.

Inantay ko na tawagin ng mommy ko ang attention ng teacher ko.

Pero hindi yun nangyari.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Pero hindi na ata tama yung sinusulat ko. May mga salita akong hindi dapat sinulat sa notebook ko. Kailangan ko burahin ang mga hindi maayos na mga salitang yun.

Pambura, kailangan ko ng pambura.

Naghanap ako sa bag ko. Wala akong nakitang pambura.

Hindi man halata, mahiyain akong estudyante. Actually, ma-pride akong tao. Hindi ako nanghihiram ng pambura.

Pero wala talaga ako nakita.

Pagtingin ko sa may pinto, nakita ko ang mommy ko ulit. Pabulong akong nagsabi, “pambura”. At patuloy akong naghanap sa bag ko.

Nang mapansin ni Mrs. Divina na hindi ako mapakali sa paghahanap ng kung ano sa bag ko, lumapit na siya, “Anong problema?”

“Di ko makita ang pambura ko,” sagot ko.

Pagtingin ko sa may pinto for the 3rd time, andun na ang mommy ko. Tinatawag ang teacher ko at inabutan ng pambura. Bumili ata ang mommy ko sa bookstore/canteen.

Inabot naman sakin ni Mrs. Divina ang pambura na kabibigay lang sa kanya.

Hindi ata ako nakapagpasalamat pa ke mommy noong araw na yun.

Salamat mommy, Happy Birthday ulit.