Kaka-install ko pa lang ng Tinder app sa aking Cherry Mobile Flare. Nakita ko kasi sa status ni [KnP02]Dramaking na may nag-aaway na mag-jowa dahil sa isang dating app. Nang basahin ko ang comments, dun ko nakita ang word na Tinder.
Tinder! Parang kinder (bago mag prep), or timber (yung sayaw).

Tinder
Ang Tinder ay isang app kung saan makikita mo ang mga prospects mo; pangalan, edad, distance from you, at limang profile pics. May kasama pang likes at shared friends depende sa mga ni-like at in-accept na niya sa Facebook. Kapag ni-like ninyo ang isa’t isa, pwede na kayo mag-chat.
Ako, basta mukhang babae, at may background na medyo adventurous gaya ng dagat at bundok, nila-like ko. Pag may nag-match, magda-drop kaagad ako ng isang hello.
Isang ka-match ko, inimbita akong pumunta sa isang speed dating event. Instead of us meeting one on one na baka pagsisihan ko, mas maganda nga siguro na mag-meet na lang kayo sa isang speed dating event. No hassle, no pressure. Bukod pa dun, you will meet 15 or so people na talaga looking for something.
Kesa naman sa one on one date na kayo lang dalawa na mag-uubos kayo ng tatlo hanggang apat na oras, dun ka na sa mas marami at sa mas masaya.

Pinakita niya sa akin ang poster na ito. Natuwa ako, for 1 thousand pesos, I am sure na may dinner at konting inumin na yan pampadulas ng isip at pampabukas ng mga labi. Yung tama lang para makapag-salita ang lahat.
How I wish makakapunta ako, ang kaso, kasabay siya ng #KeepCalm.
So alam niyo na, kapag wala ako sa #KeepCalm, kapag in-Indian ko kayo, andun lang ako sa Pasig at nakikipag-date sa 15 na chicks. Susunod na lang kami sa tugtugan. Bahala na.
Speed Dating Around The World in 15 Dates
May 31, 2014 – Saturday
6:30 pm – 10:00 pm
Cab Cafe
Kapitolyo, Pasig City
Php 999 with dinner
09152720649