Tag Archives: text

Memory Miyerkules S2 – Birthday Greeting

February 4, 2004. Birthday ng Kuya ko. Wala akong regalo sa kanya kaya naisip kong pagtripan na lang siya.

Uso noon ang celphone. Piso ang charge sayo sa bawat text message na sini-send mo. Hindi lahat ng tao may cellphone. Hindi ko rin maalala kung may cellphone na rin ako nun.

Meron na ata. Pero hindi na importante.

Happy Birthday

Happy Birthday

Ang gawain ko, makikitext ako sa kahit na sinong makasalubong ko. Mga friends sa LSPO, mga kaklase sa ibat ibang subjects, mga blockmates, kahit strangers. Wala akong pinapatawad.

Basta ang kailangan ko lang gawin, magsend ng message sa kuya ko. “Happy Birthday”. Parang namamalimos ako ng piso noon. Game naman ang lahat ng may cellphone load. Ang bilin ko lang sa kanila, pag nagreply yung number, wag na sila magtextback pa.

Masunurin naman sila. Pero ang kuya ko, medyo nabadtrip ata dahil wala na siyang pang-reply sa lahat na maggi-greet sa kanya. Plano pa naman niyang pasalamatan ang lahat ng magsi-send sa kanya ng birthday greeting.

Di ko alam kung alam ng kuya ko na ako ang nan-trip sa kanya nun. Pero sure ako na nakakuha siya ng “more than the expected number” of text greetings.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Gusto mo siya itext pero wala ka gustong sabihin

what a blog title!?

Yan ang sinabi ko ke Tontonbagyo isang lunch last week. Gustung-gusto ko talaga magparamdam sa diwata pero hindi ko alam ang sasabihin.

Korni naman ang simpleng “kumusta?” at masyado nang cliche ang magtext ka ng quote.

Isa pa, wala akong naka-reserbang magandang quote sa cellphone ko.

 

text message

text message

Buong araw na akong nag-iisip. Ayoko magkamali ng galaw. Baka sabihin niya, hindi ako seryoso sa kanya kapag nagtext ako ng jokes. Baka sabihin niya, bolero ako pag sweet quotes. Sure ako, sasabihin niya na korni pag simpleng kumusta lang. Ayoko naman magsend ng kÖMÜ$+@ dahil ayoko mapagkamalan na jejemon.

Problemadong-problemado talaga ako. Pano ba to?

Pag magpaparamdam ka ba sa isang tao, ano ba gagawin mo? Maghe-hello ka ba o titignan mo lang siya? Maghahanap ka pa ba ng tulay o didiretso ka na sa kanya?

Hindi ko alam pero buong buhay ko, ngayon lang ako nahirapan sa panliligaw.

So nagsuggest si Tontonbagyo, at eto ang pinakamagandang suggestion na narinig ko mula sa BEST DRUMMER OF QUEZON!

“Bat hindi mo itext ng blangko?”

“Blank message???”

“Oo, wala ka naman sasabihin di ba? Magpaparamdam ka lang di ba?”

So yun nga ang ginawa ko, nilabas ko ang cellphone, nag-compose ako ng blank message at huminga ng malalim.

MESSAGE SENT.

Ok na sakin yun, at least nagparamdam na ako sa kanya.

Pero after ilang seconds lang.

MESSAGE RECEIVED.

Galing sa diwata.

”  __________ ”

Blank message din.

Ayus!

Blank Message – isang paraan ng pagpaparamdam sa text. Ginagamit ito kapag wala ka naman talagang gustong sabihin at magpaparamdam ka lang sa taong gusto mo. Ang katumbas nito sa Facebook ay buddy Poke.

Text ni Utol ep.2

Dahil sa text ni utol na mag-usap kami, nagtaxi na ako pauwi. Di ko na pinatagal, dahil baka malaking problema yun.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto namin, tulog na siya. Bukas ang computer. Nagbihis ako at umupo sa harap ng computer bago ko siya gisingin.

Tinanong ko kagad, “O ano?” Continue reading

Text ni Utol ep.1

Isang normal lang na araw sa akin ang Lunes, papasok ako sa trabaho ng 6pm, magti-take ng calls, at uuwi pagdating ng 3am.

Minsan lang din ako makatanggap ng text sa oras na ito. Tulog na kasi ang mga normal na tao at wala na gaanong mambubulahaw sa akin. Kaya naman nakakatutok ako sa trabaho.

Pero nang breaktime ko at chineck ko ang aking celphone, nagulat na lang ako nang may text message na naghihintay sa akin.

uuwi ka ba ngayon? usap tayo…

Kapatid ko ang nagtext, hindi kasi ako umuwi sa bahay kahapon dahil may inasikaso akong lakad ni girlfriend. Syempre, sinamahan ko girlfriend.

Minsan lang magtext ang kapatid ko. Minsan lang din niya ako gustong kausapin ng seryoso. Ang kadalasan na pinag-uusapan namin, mga laro sa computer, mga teknik sa pagiging pick up artist, mga episode ng naruto at kapag manghihingi siya ng pera.

Pero sa pagkakataong ito, gusto niya ng kausap.. Dalawa lang ang maaaring dahilan.

Mangungutang siya ng malaking pera sa akin.

or

Heartbroken siya.

Wala siyang girlfriend ngayon, so hindi siya pwedeng ma heartbroken. Hmm, ano kaya ang dahilan?

Abangan sa susunod na kabanata.