Tag Archives: Tips

Promking's First Date Tips

Marami na akong napagdaanan na First Dates. I can count at least seven, pero mas marami pa don. Kadalasan kasi, yung mga first date ay hindi na nasusundan ng second at third date.

Kapag first date, kailangan, best foot forward. The guy should know this as well as the girl. Mataas ang expectations. Pero dapat natin alalahanin yung fact na yun. First date is the BEST.

first date by julvett

first date by julvett

Hindi na mauulit ang first date. It is the BEST. Any other date will just be a repeat, an extension, an upgrade, or even a downgrade of the first date.

Having said that, kailangan pa rin na may mga MUST DO tayo sa first date. And we can take it from there.

  1. The Guy Pays For The Bill. Well, not entirely. Kung ang date ninyo ay movie > dinner > dessert, the guy should pay for the dinner. Pwedeng mag KKB sa movie at pwedeng si girl na bahala sa dessert tutal sila naman ang mahilig dun. Basta yung pinakamalaking bill, lalaki ang sasagot. Sa panahon ngayon na minsan e mas malaki pa sumweldo ang mga babae, kawawa naman kaming mga lalaki kung parating kami dapat ang magbayad.
  2. You Can Wear Anything, make sure it comes with a SMILE. Pwede kang mag gothic, rocker chic. Si lalaki, pwedeng mag jogger pants, pwedeng suit. Depende kung saan siya galing at ano personality niya. Dapat angkop sa activity. Kung sasakay kayo ng Anchor’s Away, I do not suggest wearing a gown. Pero again, always wear a SMILE.
  3. The First Date is a PLANNED DATE; Be Creative. Dalawang date lang naman ang may chance ang lalaki na masunod sa plano, isa na dito ang first date. Yung pangalawa, proposal. The guy should be very creative dahil ang date na ito ang pinakatumatatak sa relasyon.
  4. Always Attempt For A Kiss, At Least Once. Pwedeng smack, pwedeng beso. A kiss, or any physical gesture, is the thin line between a “hang out” and a “date”.

Maraming pwedeng mangyari sa first date. Yung iba, sex kaagad. Yung iba naman, take it slow ang peg. Pero kahit na ano pa yan, I must congratulate you dahil ang FIRST DATE ay parating one for the books.

Swoosh News: Jacque Bermejo

Kung magri-research ka ng pinaka-hot na topic sa internet ngayon, malalaman mo na bukod sa Bagyong Ondoy, e mayroon na mas malakas na unos pa na dumating sa isa nating kababayan sa pangalan na Jacqueline Bermejo. Sa dami daw ng text messages at emails at comments na nakukuha niya, mistulang Bagyong Ondoy na rin ang sumalanta sa kanya ngayon.

Sino ba si Jacque Bermejo?

Napag alaman ko galing sa iba’t ibang blog sa internet na si Jacque Bermejo ay tunay na tao at hindi kathang isip lang. Meron siyang mga pictures sa Multiply at sa Facebook. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Dubai bilang isa PR officer. Continue reading