Tag Archives: tontonbagyo

Empires and Allies Cheat

Para lang makuha ang atensyon mo, nilagay ko ang word na cheat sa title. Ang husay noh?

Empires and Allies

Empires and Allies

Anyway, kung tutuusin, malupit na laro talaga ang Empires and Allies. Wala pang isang linggo ang paglalaro ko nito, gets ko na kagad ang mechanics. Naiinip na nga ako pag wala na akong energy e. Kinukulit ko pa ang mga Facebook friends ko pag nagipit ako sa energy.

Si Tontonbagyo ang nagpakilala sa akin ng larong ito. As of this writing, level 46 na siya at nambu-bully siya ng mga kaibigan niya. Minsan, isina-sabay niya na rin ang pambu-bully sa pagkakalat niya ng googlehammer.com.

Nagulat ako kahapon nang malaman ko na naglalaro rin pala ng Empires and Allies ang mga beach buddies ko na sila Ada at Tina. Pati si Merwin high level din. Ang running team ko na Southern Treaders e high levels din dito. At syempre ang inaanak ko na si Khiel e may empire din.

Eto lang naman ang mechanics ng laro; gumawa ka ng military units tapos sumugod ka. Gagamitin mo rin minsan ang military units mo para depensahan ang sarili mo at mga kaibigan mo. Mas marami kang pera, mas marami kang military units.

Ishi-share ko na lang din sa inyo ang nabasa ko tungkol sa game na ito (pampahaba ng blogpost habang naghihintay ng energy).

The strategy combat game has reached 41 million players in just 25 days, which defeats FarmVille’s 38 million monthly players. – Blog.Games.Com

Biruin mo yun? At mas lalong lalaki pa raw ang population ng Empires and Allies dahil yung mga dating naglalaro ng FarmVille e lumilipat na.

Yung iba ko ngang neighbors sa Empires and Allies, mga 6 – 7 year old e. Nagagalit pa sa mga mommy nila pag ini-invade sila. Kwela talaga.

Kung meron man akong tip na maibibigay sa inyo para sa larong ito, yun ay ang “ENJOY THE GAME”. Isama niyo na ang buong barkada. Sure ako na may mga friends ka na high level na mag pu-protekta sayo. Wag kang matakot.

Paki-bigyan na rin ako ng Liberty Bond. Salamat.

Gusto mo siya itext pero wala ka gustong sabihin

what a blog title!?

Yan ang sinabi ko ke Tontonbagyo isang lunch last week. Gustung-gusto ko talaga magparamdam sa diwata pero hindi ko alam ang sasabihin.

Korni naman ang simpleng “kumusta?” at masyado nang cliche ang magtext ka ng quote.

Isa pa, wala akong naka-reserbang magandang quote sa cellphone ko.

 

text message

text message

Buong araw na akong nag-iisip. Ayoko magkamali ng galaw. Baka sabihin niya, hindi ako seryoso sa kanya kapag nagtext ako ng jokes. Baka sabihin niya, bolero ako pag sweet quotes. Sure ako, sasabihin niya na korni pag simpleng kumusta lang. Ayoko naman magsend ng kÖMÜ$+@ dahil ayoko mapagkamalan na jejemon.

Problemadong-problemado talaga ako. Pano ba to?

Pag magpaparamdam ka ba sa isang tao, ano ba gagawin mo? Maghe-hello ka ba o titignan mo lang siya? Maghahanap ka pa ba ng tulay o didiretso ka na sa kanya?

Hindi ko alam pero buong buhay ko, ngayon lang ako nahirapan sa panliligaw.

So nagsuggest si Tontonbagyo, at eto ang pinakamagandang suggestion na narinig ko mula sa BEST DRUMMER OF QUEZON!

“Bat hindi mo itext ng blangko?”

“Blank message???”

“Oo, wala ka naman sasabihin di ba? Magpaparamdam ka lang di ba?”

So yun nga ang ginawa ko, nilabas ko ang cellphone, nag-compose ako ng blank message at huminga ng malalim.

MESSAGE SENT.

Ok na sakin yun, at least nagparamdam na ako sa kanya.

Pero after ilang seconds lang.

MESSAGE RECEIVED.

Galing sa diwata.

”  __________ ”

Blank message din.

Ayus!

Blank Message – isang paraan ng pagpaparamdam sa text. Ginagamit ito kapag wala ka naman talagang gustong sabihin at magpaparamdam ka lang sa taong gusto mo. Ang katumbas nito sa Facebook ay buddy Poke.