Tag Archives: Toothbrush

Memory Miyerkules S2E03 – Toothbrush

Ang pagsisipilyo ang pinakanakakatamad na gawain bago ka matulog. Pagkatapos mo kumain ng masarap, kumpleto mula appetizer hanggang dessert, aantukin ka na kagad. Mapa-almusal, pananghalian o hapunan pa yan, basta mapuno ang tiyan mo, aantukin ka talaga.

Pero kailangan e. Pinagagalitan ako pag hindi.

Noong nagkaroon ng dental exam sa Dominican College noong grade 2 ako, maganda ang naging feedback sa akin ng dentista. Habang pinagsasabihan kami ni Mrs. Divina tungkol sa importansya ng toothbrush, puro papuri naman ang binibigay niya sakin. Sabi daw kasi ng dentista sa kanya, ok daw ang set of teeth ko.

Set of Primary Teeth

Set of Primary Teeth

Ewan ko lang ha pero meron din naman akong mga kaklase na maganda din yung ngipin. Di naman ako dentista para siyasatin pa ang mga cavities nila. Tsaka hindi pa ata obvious ang mga sungki ko nun. Basta alam ko, ok na ang two front teeth ko kaya dapat na alagaan at toothbrush-an.

Isa lang ang pinakanaa-alala ko nung araw na yun. Tinanong ako ni Mrs. Divina:

can you buy clomid online uk Mrs. Divina: JP, how often do you brush your teeth everyday?
Misoprostol no rx in us JP (Gusto ko sana sabihin na isa lang, pero para hindi siya mapahiya): Twice or thrice a day. First before I go to school. Another before going to bed, and sometimes the minute I got home.
Mrs. Divina: You see class, that is how you should take care of your teeth.

Di ko alam kung ganun ka-straight yung English ko basta ganun ang naaalala ko. Wag ka na kumontra!

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.