Tag Archives: training

Breaking News: Call Center Agent, Sinapian Habang Nasa Traning Room

Ngayon lang ako nakarinig ng ganitong balita. Sa tagal ko na dito sa kumpanya namin, ngayon lang ako nakarinig ng news na may sinapian habang nasa training. Actually, ngayon lang ako nakarinig ng balita na may sinapian sa call center.

Wala naman kasing mumu dito sa building namin.

Sa 5th floor training room daw naganap ang nakakakilabot na pangyayari. Ayon sa isang kaibigan na bukas ang third eye, may matandang multo na mahilig magbihis ng puting damit na nilabhan sa Tide, ang tumatawid mula sa Training Room 1 papunta sa Training Room 2. Hindi pa makilala ang mumu na to dahil wala naman siyang suot na ID.  Hindi rin naman daw makausap dahil introvert ang mumu.

Nagkakaroon kasi ng training para ilipat ang higit sa isan g dosenang agents ng Tier 1 papunta sa Tier 1.5. Medyo mahirap ang Tier 1.5 kaya bukod sa multo, isa din sa mga kinatatakutan ang paglilipat sa isang call center agent sa Tier 1.5 Kung ako ang tatanungin mo, mas mabuti pa na magpa-Tier 2 ka na lang dahil mas kaunti ang load ng trabaho doon. Kailangan mo nga lang ng mas malupit na Technical Skills.

Kaya ganun na lamang ang takot ng buong klase ng biglang sinapian daw ang isa sa mga trainee. Hindi raw maintindihan ang mga pinagsasasabi ng call center agent na sinapian. Hindi naman mga jargons ang sinasabi at hindi rin naman alphabeks. Basta out of this world daw . Puro silent Z at silent D raw ang mga words. Pabulong ang mga salita at may tunog na SH at TH.

Tumulong pa raw ang aming manager na parating nakabukaka para patahanin ang biktima pero nasipa lang siya nito. Nakahiga daw ang sinasapian at lahat ng magtangkang lumapit ay tumitilapon na parang tinatamaan ng kamehameha ni Son Goku.

Bilang lunas, sinedate ang biktima gamit ang injection na bigay ng mga alagad ni Dick Gordon.

Mukhang may gustong ipahiwatig ang multo na mahilig magsuot ng laba sa Tide.

Limang piso lang.

A New Breed of Travel Factor – Travel Coordinators

Eto yung matagal ko na sinasabi sa Facebook ko. Nag-attempt kasi ako mapabilang sa mga magigiting na miyembro ng TF Team. Pinalad naman ako at natanggap bilang isa sa mga Travel Coordinators batch 2012.

Last weekend, nagpunta kami sa Nagsasa Cove sa Zambales. Mga anim na oras ang biyahe sa bus at isang oras sa bangka. Pakiramdaman pa kami nung una dahil hindi talaga kami magkakakilala lahat.

Travel Coordinators btach 2012

Travel Factor We Know Adventure

Kumbaga sa boksing, sina-size up pa namin ang isa’t isa.

Pagdating sa isla, nag-lecture kaagad kami habang inihahanda ng mga team leaders ang pananghalian. Puro pointers lang din naman ang kasama sa lecture. Karamihan dun ay common sense at situational events. Experience lang talaga ang magsasabi kung magaling ka ngang Travel Coordinator.

Buti na lang naghandle na ako ng mga retreats and recollections nung College. Magagamit ko ang mga skills na nakuha ko noon pag isinabak na ako sa field.

Ansaya ng buong trip namin. Naglaro ng baraha, getting to know, lasingan buong maghapon, team games sa gabi, kwentuhan, lahat lahat na. Para ngang hindi lang kami nag overnight dun sa dami namin napag-usapan.

Instantly nagkaroon ako ng +20 friends. Hanggang ngayon, ina-add pa nila ako sa FB at fina-follow sa Twitter.

Lalawak talaga ang horizon mo pag adventurous ka. Wag mo lilimitahin ang sarili mo sa mga kaibigan na nakasagawian na. Try mong makipag-kaibigan sa iba. Wag kang matakot.

Yan siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit may Travel Factor. Hindi lang siguro para  makapag-adventure ang mga travel seekers. Para na rin ito mabigyan ng chance ang bawat participant na magkaroon ng mga bagong kaibigan.

You should now sign up for your next adventure. Click ka lang DITO.