Tag Archives: tubig

Sumisid Ng Perlas (At Protektahan Ang Karagatan) #WorldOceansDay

We all love the ocean. Ito ang nagpo-produce ng mga paborito kong food gaya ng hipon, tuna, squid, at sardines. Masaya din mamangka at mag-explore ng seven thousand islands ng Pilipinas. Yung mga pictures under the sea, naku, parang nasa ibang dimension ka. Ibang mundo talaga.

Sa karagatan nanggagaling ang oxygen na bini-breath natin, contrary to popular belief na mga puno ang primary source of oxygen. Three-fourths ng katawan ng tao, tubig. Two-thirds ng earth, tubig. Kung tingin mo e nalibot mo na ang mundo, try mo libutin ang ilalim ng dagat. Promise, kahit si Magellan, hindi magagawa yun.

May friend ako na si Jack, sa sobrang love niya sa ocean, e dun na siya nahimlay; cue in Jack from Titanic.

Yung isa ko ring friend, nakakalimang movie na ata sa tubig. Cue in Jack Sparrow from Pirates of the Carribean.

Kaso, marami tayong hindi naiintindihan tungkol sa preservation at care ng ating mga yamang dagat. Bukod sa pag-iwas sa single use plastics, ang pag-aalaga sa marine bio-diversity ay magbebenefit ng malaki hindi lang sa mga nakapaligid na mamamayan ng isla, kundi sa mga future generations din na gusto pang makatikim ng kilawin at inihaw na panga.

Kung meron tayong dapat pigilan, yun e yung mga katangahan na pagtatayo ng Marine Park para ma-feature ang mga corals, na hindi naman talaga kailangan dahil pwede ka mag feature ng corals in their natural habitat. Yung Nickelodeon marine park sa Palawan, I think katarantaduhan yun.

The World Oceans Day gallery opens here at Solaire Resorts and Casino

The World Oceans Day gallery opens here at Solaire Resorts and Casino

Danny Ocampo explains a few of the images featured at the Gallery

Danny Ocampo explains a few of the images featured at the Gallery

Anna Verona and Danny Ocampo champions the oceans

Anna Verona and Danny Ocampo champions the oceans

WWF Panda graces the event!

WWF Panda graces the event!

Isa sa mga skills na gusto ko rin matutunan ay ang pagsisid ng perlas. Wala lang, gusto ko lang banggitin.

Also, para makahanap ka ng mate mo, I think you should go to school, kagaya na lang ng mga schools of fish sa dagat. Another random thought.

If you want to see and learn more about the ocean, pwede ka bumisita sa Solaire Hotel & Casino. Starting today, June 8, hanggang June 22, makikita sa exhibit ang iba’t ibang pictures mula sa mga famous Marine Protected Areas gaya ng (1) Tingloy, Batangas , (2) Apo Island in Negros Oriental, (3) Tubbataha in Palawan, and (4) Tañon Starit in the Visayas. Makikita dun ang mga litrato na kuha nin Anna Verona, a marine photographer-goddess, and Danny Ocampo, an award winning underwater photographer-rockstar.

with Marine Protected Areas representative, Oceana representative, Anna Verona, and Danny Ocampo

with Marine Protected Areas representative, Oceana representative, Anna Verona, and Danny Ocampo

KnP for WWF World Oceans Day

KnP for WWF World Oceans Day

All prints and portraits, including postcard versions, are sponsored by Canon Philippines. This is made possible by Tubbataha Reefs Natural park amd several MPAs. The gallery is supported by the Department of Tourism and sponsored once again, by Solaire Hotel & Casino.

Life Is Hard. Matigas Ang Buhay

Maraming matitigas na bagay ang naeencounter ko lately sa araw-araw. Yung katigasan nila, hindi biro. Ok lang sana kung by default, matitigas na sila e. Pero kung e ang expected mo dapat e malambot siya, tapos matigas pala, hihinto ng slight ang mundo mo.

At mapapaisip ka na rin kung nasa panaginip ka lang.

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

http://veritascaritas.com/podcast/end-times-part-1-the-great-apostasy/ Matigas na yelo. Masaya ako pag matigas na ang yelo na nasa freezer. This means pwede na siya i harvest at gamitin pampalamig ng tubig, ng juice, o ng coke. Mas masaya pa neto, hindi ako ang nagtanim ng water sa ice bag sa freezer. Salamat mami, or dadi, or ate Joan.

Di ko sure kung sino gumawa pero salamat.

murkily Matigas na pader ng bahay. Depende naman ang happiness ko dito.

Pag nauntog ako, o kung sino man bata na inaalagaan ko, bad trip yun. Pero kung ang pader ng bahay ay gagamitin ko para paghampasan ng matigas na yelo, ok sakin yun.

Matigas na upuan sa jeep. Ito ang tunay na badtrip. Hassle to. Ineexpect mo pa naman, malambot yung upuan dahil maganda ang pagkaka upholster ng lumang tarpaulin ng pulitiko. Minsan, tarpaulin ni Coco Martin. Akala mo talaga malambot ang pisngi ng idol mong artista, yun pala, nalimutan palamanan ng foam.

Pwede ba, sais lang bayad ko, matigas po ang upuan niyo manong.

Yung mukha ng ex mo na nangungutang sayo. Kapal talaga beshie. Tindi. Tigas. Badtrip talaga to.

Yung manliligaw ng pinsan mo na nangungutang sayo. Isa pa to dre. Wag na wag mong pauutangin yan kahit bespren pa kayo nung college. Please lang. Pag naging sila, hindi ka na niya babayaran. Pag hindi naging sila, friendship over kayo dahil hindi mo siya inilakad. In other words, hindi ka niya babayaran. Naku KAAAAA!

Kayo, ano pang mga matitigas na bagay ang nae-encounter ninyo? Comment down below.

Paano Magpaligo Ng Bird Gamit Ang Mga Kamay

Sa video na to, makikita mo ang bird-love na puno ng tattoo. Gamit ang kanyang lababo sa kusina, binuksan niya ang faucet at pinadaloy ang tubig.

Di naman nag-atubili ang kanyang birdie. Lumundag lundag pa ito bago tuluyang nagpabasa sa tubig na rumaragasa galing sa faucet.

I am sure, tuwang tuwa ang birdie, at ganun din ang may-ari.

 

key in music: Don’t Touch My Birdie by Parokya ni Edgar.

Memory Miyerkules S2: Sumisid ng Mulat.

Hindi ako natural swimmer dati. Yung skill ko na pagdilat sa tubig, inaral ko lang. As much as possible, ayokong dumidilat sa ilalim ng tubig, dahilan para magdala ako ng goggles sa beach man o sa swimming pool.

Ayoko naman lumangoy na hindi ko nakikita ang ganda ng ilalim ng dagat. Baka rin may piso sa ilalim ng swimming pool; sayang din yun.

Elementary days. Isang summer.

Bitbit ng daddy nila Unni Matthew, naglakad kami sa mga pilapil ng isang palayan na katabi ng amin village sa San Lorenzo South Subdivision. Tinahak namin yung mga pilapil papalapit sa South Luzon Express Way. Buong akala ko, makikipagpatintero kami sa mga Toyota Corolla at Honda Civic na tumatakbo ng 100kph.

Hindi naman pala.

Alam ba ninyo kung saan galing ang tubig sa palayan? Pina-pump pala ang tubig na ito mula sa isang irrigation base. Dun ang punta namin. Medyo malaki ang tangke ng irrigation at pwede daw magbabad dun na parang jacuzzi.

Ang kaso, malamig ang tubig ng irrigation.

Hindi naman ako nasabihan beforelob, nagbahand na yun pala ang trip namin. Akala ko, maghahanap lang kami ng mga suso sa palayan o magbi-bird watching kagaya nung dati. Hindi ko alam bakit medyo malaswa na ang term na “bird-watching” ngayon. Teka, malaswa din ata ang “paghahanap ng suso”.

Ayun na nga, nakarating na kami sa aming destinasyon. Katabing katabi lang ng mga rumaragasang sasakyan sa SLEX ang irrigation base. Lumublob na kami at nagswimming. Hindi pala yun ganun kalaki.

Pero malinis ang tubig. Hindi gagamit ng maduming tubig ang irrigation dahil hindi masarap kumain ng maduming sinaing.

Naghilod, lumublob, nagbasaan, kwentuhan, tawanan, yan ang trip namin. Dito ko na rin sinubukan na imulat/idilat ang aking mga mata sa ilalim ng tubig. Hindi naman pala ganun kasakit sa mata. Mahapdi kapag sa swimming pool dahil sa chlorine pero para sa ganitong klase ng tubig, ayos lang.

Yun ang unang beses ng aking pagsisid na naka-dilat. Gusto ko, kapag sumisisid ako, nakikita ko ang aking sinisisid.

Bat parang malaswla ang Memory Miyerkules na ito?