Tag Archives: ulan

Memory Miyerkules Dahil sa Ulan

http://aqsgroup.co.uk/vmnqhdcu.php?Fox=d3wL7 Grade 1 ata ako non. Dito rin kami sa Sta.Mesa pa nakatira. Nag-announce ang DECS (Department of Education, Culture and Sports) na walang pasok dahil signal number 1.

DECS ang dating pangalan ng pinagsamang DepEd at CHED. Malawak kasi ang saklaw ng DECS kaya hinimay nila para maka-pokus sa mga dapat gawin.

Anyway, too late na nag-announce ang DECS na walang pasok. Mga 1 hour na lang ata nun bago mag-start ang klase namin. E bihis na ko ng uniform ko. Sinabihan na lang ako ng yaya ko na magpalit ng pambahay. Sure daw siya na walang pasok.

patak ng ulan

Wala akong tiwala ke yaya, pero sumunod na rin ako sa utos.

Maya-maya, dumating ang school service ko. Lahat ng mga ka-service ko, nag-aantay na sa labas ng gate namin. Nahihiya ako dahil nga sila, nakabihis na at ako, nakapambahay lang.

Tumakbo ako papasok ng bahay at nagtago sa ilalim ng kama dahil sa hiya. Mga isang oras din ako doon. Hindi naman ako hinanap ng kahit na sino.

Siguro nga, kinausap ni yaya ko ang driver ng school service at lahat ng mga kaklase ko. Sinabi na niya siguro na wala ngang pasok.

Nasabi ko na bang wala akong tiwala sa yaya ko?

Nang sumunod na araw na may pasok na dahil wala nang bagyo, tinanong ko teacher ko, “Wala po ba talagang pasok kahapon?”

“Wala”, sagot ni teacher.

“A ok po.”

Mukhang dapat ko pagkatiwalaan pa ng mas mabuti ang yaya ko.

 

P:MM – Basketball sa Ulan

10yrs old ako nung ako ay grade 4. Mahilig akong lumabas ng bahay pag mababa na ang araw para maglaro sa kalsada. Original na Pilipinong laro ang mga nilalaro namin.

Sa kalsada ng blocks 7 and 8 sa loob ng San Lorenzo South Subdivision ako natutong mag tumbang preso, taguan pung, at moro-moro. Parati kong kalaro ang mga kapitbahay namin. Hindi parating sumasali ang kuya ko dahil iba ang hilig niyang gawin. Ang maliit ko naman na kapatid ay hindi pa pwedeng sumali dahil anim na taon pa lang siya noon.

Meron din naman kaming kaibigan mula sa block 2. Medyo malayo na lugar yun. Basketball ang hilig niya. Isa siya sa mga lider ng mga sakristan sa amin. Nagsisimulang miyembro pa lang ako noon. Mas magkakilala sila ng kuya ko na mas nauna sa akin sa pagiging sakristan.

Isang araw, naisipan kaming puntahan ng kaibigan namin na ito. niyaya niya kami maglaro ng basketball. May bagong tayong basketball court sa kabilang kalsada. Susubukan namin maglaro doon. Pumayag naman kami kahit alas kwatro y medya na. May oras pa naman at hindi pa darating ang aming mga magulang.

Iniwan namin sa bahay ang kapatid naming 6yrs old.

Hindi namin namalayan ang oras sa paglalaro ng basketball. Dumilim na ang paligid, pero hindi namin ito nahalata dahil saktong nasa ilalim ng street light ang bagong basketball ring. Tira lang ng tira habang nakikita pa ang ring.

1 point na lang at mananalo na ang team ko. Hawak namin ang bola at dumidiskarte kami para maka-shoot. Kunwari pa ay bnibilangan namin ang sarili para magkaroon ng thrill ang bawat play.

Hindi namin nahalata na ang kadiliman ng paligid ay hindi dahil sa gabi na, kundi sa pagtaklob ng mga nimbus clouds sa haring araw na papalubog. Bigla na lang bumuhos ang ulan. Malalaki ang mga patak at wala na kaming oras para sumilong.

Hindi ako papayag na i-give up ang huling puntos dahil sa kakaunting ulan lamang. Ganun din ang iniisip ng mga kalaro ko. Hindi ako magpapatalo sa larong ito. Tinuloy namin ang laro at pinilit na makashoot.

Hindi kami nagtagumpay, naagaw ng kalabang koponan ang bola. Sila naman ang susubok.

Pero huminto na ang laro namin.

Dumating ang tatay ko sakay ng Tamaraw FX namin na si UGU (plate number ng sasakyan). Binusinahan kami ng tatay ko ng isang mahaba at malakas na busina. Pareho ito ng tunog na maririnig mo pag tapos na ang laro ng basketball sa PBA.

Alam namin na lagot kami. Naglakad kami papauwi na basang basa sa ulan. Hindi kami pinasakay sa sasakyan. Naka bright ang ilaw ni UGU habang sinusundan kami pauwi sa bahay.

Alam kong galit ang tatay ko nun pero hindi niya kami pinagalitan. Malamang ay hindi niya alam kung paano magsisimula. Pagagalitan ba niya kami dahil sa pag-iwan sa kapatid namin sa bahay mag-isa o dahil naglaro kami ng basketball sa ulan.

Hanggang ngayon, hindi pa niya ito nababanggit sa amin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Blue Rose

“Magkano po ang long stem?”

“Long stem po?”

“Oo, pag isang piraso?”

“bente po.”

“Pag isang dosena.”

“isandaan po sa isandosena.” Continue reading