Tag Archives: undas

Undas 2010

Tinapos na namin lahat ng sementeryo na dapat namin puntahan ngayong October 31. Kailangan din kasi namin magpahinga at may kanya-kanya pa kaming pasok sa Nov1 or Nov2. Buong pamilya kaming lumarga.

Sinimulan namin sa lolo at lola ko sa Bulacan, Bulacan. Then, takbo kagad sa Good Shepherd sa San Fernando, Pampanga. Balik sa Meycauayan, Bulacan bago magpunta sa Eternal Gardens sa Balintawak.

Kung dati, dumadaan pa kami sa mga kamag-anak sa lugar, ngayon hindi na. Nagsasabi na lang kami na pupunta o nakapunta na kami. Yung tradisyon na ang Undas e para sa maging Family Reunion ng pamilyang Pilipino e hindi na muna namin sinunod ngayong taon.

Masaya naman ako sa pag-ikot namin sa mga sementeryo.Kahit na-flat pa ang isang gulong namin at medyo pumapalya ang karborador, andyan naman ang tatay ko para ayusin ang mga sira.

Isang buong rosaryo para sa Direct ancestors ko, at kakaunting dasal naman para sa hindi. Ayos na siguro yun para hindi ako dalawin.

Eto pala pictures. Puro yung pamangkin ko yan. Camwhore kasi siya e.

***

Yung mga ngayon pa lang pupunta sa mga sementero, nagbabala na ang RMN news, medyo maulan daw.. Magdala kayo ng payong.

Trabaho sa Undas

Ang iskeydyul namin sa Call Center, parang climate lang; nagche-change din. Yung dati kong schedule na 5pm-2am with Sat-Sun offs, ngayon ay 6pm-3am Fri-Sat offs na.

Buti na lang ito ang nakuha kong schedule, kesa naman iba pa. Sanay na ang katawan ko sa ganitong oras, at kahit pa rest day ko, hindi ako natutulog sa oras ng pasok ko kasi nga, ayaw ko mag reset ang body clock ko at pahirapan maka-adapt pa ulit.

ninakaw sa flickr ang pic

ninakaw sa flickr ang pic

Dahil sa araw ng pasok ko ngayon, hindi na naman ako makapunta sa puntod ng mga lolo ko. Sana lang hindi sila ang bumisita sa akin sa bahay. nakakatakot pa naman. Kahit na gustong-gusto ko makapunta sa Bulacan to pay my respects to my elders, eto ako ngayon, nakaupo sa harap ng computer at nagtatrabaho.

May pros din naman ang ganitong kwento ng buhay. Syempre dahil holiday, mas mataas kumpara sa normal ang sahod. meron kasi tayong tinatawag na holiday pay. Kung sa iba 100% on top of basic, yung sa iba, 30% lang. pero ko na rin yun, at least meron dagdag.

Syempre, maraming kanya-kanyang gimik din para sa mga tao na magtatrabaho sa araw ng mga patay. Yun ang mga costume party, paggawa ng mosaic na nakakatakot, at mga kwentuhan na nakakatakot. Puro takutan na lang.

So ngayon, ieenjoy ko na lang ang pagpasok. Wala din naman ako magagawa. Ipagdarasal ko na lang ng 6-decade rosary ang lahat na mga patay pag-out ko.

Suma-langit nawa ang mga kaluluwa nila.