Tag Archives: uno magazine

Quickie With Roxee B – UNO Magazine

ToyCon2014 day 3.
Roxee B autograph signing
UNO Magazine.

Gusto mo ba ng quick chat with cover girls? Ang pinakamadali para gawin ito ay kapag meron silang meet and greet o di kaya autograph signing. They will be very accomodating dahil kumuha ka ng kopya ng magazine nila. Lahat ng tanong pwede mo itanong, tutal, kayong dalawa lang naman ang andun.

Ingat ka lang dahil kapag medyo below the belt ang questions mo, may dalawang bouncer na nakaabang para ihagis ka pababa ng stage.

Roxee B signed UNO mag

Roxee B signed UNO mag

Roxee B covers UNO Magazine

Roxee B covers UNO Magazine

Roxee B and Kampeon

Roxee B and Kampeon (thanks wazzupphilippines)

Roxee B and Kampeon Debate (thanks wazzupphilippines)

Roxee B and Kampeon Debate (thanks wazzupphilippines)

Roxee B signs On UNO mag (thanks wazzupphilippines.com)

Roxee B signs On UNO mag (thanks wazzupphilippines.com)

This time, medyo prepared na ako. Tungkol kasi sa music ang pinag-usapan namin. Maglalabas daw si Roxanne Barcelo aka Roxee B ng album. All original. Pitch ko kagad sa kanya na nagri-review ako ng albums at kapag nakakuha ako ng kopya, review ko kagad. Ilalabas ko sa GigsManila.com.

Agree naman siya. Nag-thank you pa nga.

I really love the flexibility of this girl. Lahat na halos na-try niya. Wala pa siyang keme sa paghuhubad. Well, ano pa nga ba ang ikatatakot niya, boyfriend niya si Will Devaughn at meron siyang permiso galing ke kuya.

Roxanne Barcelo is now part of the hood. She now has a hood name, “Roxee B”.

Ako kaya? Kelan ako magkakaron ng hood name.

For chances to meet your UNO cover girl, wait for announcements: https://www.facebook.com/unomagazine

Starstruck With Ryza Cenon At ToyCon2014

Nakuha ko na ang kopya ko ng UNO Magazine Swimsuit Special kung saan cover si Ryza Cenon. Nasa stage na si Ryza. Tinatawag na niya ang fans niya. Pwede na raw umakyat sa stage.

Pangatlo ako sa pila. Gustung-gusto ko talaga magpa-pic sa kanya. Ang UNO Magazine ang nagdala sa kanya sa ToyCon2014. Umangat din ang value ng ToyCon dahil may chick na magpapapirma ng magazine.

Ryza Cenon OOTD Toycon2014

Ryza Cenon OOTD Toycon2014 (photo from Ryza’s FB page/instagram)

Handa na ako, nasa bag ko ang camera, nabasa ko ang maikling writeup tungkol sa kanya. Alam ko na nagluluto siya, nagbi-bake, introvert siya, at yung mga usual na dapat alam mo tungkol sa celebrity. Alam ko ang sasabihin sa maiksing chance ng small talk.

Pero hindi yun nangyari. Nang kausap ko na siya, wala nang lumabas na salita sa bibig ko. Nag-hang ako. Na-starstuck ako.

Buti na lang andun si Juan Manila Express para kunan kami ng picture.

Ryza Cenon And Kampeon

Ryza Cenon And Kampeon

Para sa susunod na mga autograph signing ng UNO Magazine, abangan ang announcements sa: https://www.facebook.com/unomagazine

 

Mocha Sandwich with Rich KAMPEON Filling

Naka-date ko na rin ang Mocha Girls. Nag leave ako last Tuesday sa work para makapunta sa Off The Grill QC at maka Meet and Greet si Mocha Uson at ang kanyang Mocha Girls.

Mocha Girls with RJ Ledesma

Mocha Girls with RJ Ledesma

Launch kasi ng UNO Magazine December 2013 issue; The MOCHA GIRLS Special. 100 pages na nonthing but Mocha Girls, mostly in their birthday suits. Magsasawa ka sa kaseksihan ng grupo for just 190 pesos.

Kung wala kang maisip na regalo sa boss mo na manyakis, bigyan mo neto.

Si Mocha Uson ang Ring Leader ng grupo. Siya na lang ang natitirang miyembro mula nang mabuo ito years ago. Sabi niya, this lineup today is the best line up of Mocha Girls.

Mocha Uson is the leader of the group

Mocha Uson is the leader of the group

Si George naman ang elegante/fashionista ng grupo. She has this killer pout na nakakainlove. Wag kang lalapit sa lips niya at baka matuhog ka.

mochagirl george

mochagirl george

Si Seika ang JPOP chick ng MG. She has built her self confidence in the 2 day shoot / bonding ng UNO Magazine. Ito ang una niyang pag-pose sa isang Mens’ Magazine.

mochagirl seika

mochagirl seika

Si Franz ang paborito kong Mocha Girl. Siya ang rapper/comedienne. Para sa akin, siya ang pinakamagaling gumiling sa kanilang lahat.

mochagirl seika and franz

mochagirl seika and franz

Si Jhane naman ang rocker chic nila. As far as I know, siya ang pinakabagong miyembro. On training pa rin siya at hindi pa siya isinasalang madalas sa mga gig. Kung mapapansin mo, lima lang ang umaakyat sa stage.

mochagirl jhane and mae

mochagirl jhane and mae

Si Mae ang pinaka-sweet sa lahat ng Mocha Girls. Siya ang choreographer. Kung usapang katawan, siya ang may pinakamagandang abs sa kanilang lahat. I was so honored to have taken a pic with her.

mochagirl mae

mochagirl mae

Maiksing kwentuhan, tawanan, picture-picture; a night to remember. Kung gusto mo ma-experience ito, pwede kang bumisita sa FB Page ng Mocha Girls at abangan sila sa susunod nilang gig.

Maraming salamat UNO Magazine!

*Salamat kay Mac Vasquez ng http://atibapangmgapangyayari.blogspot.com/ para sa mga pics.