Saturday night nun lumabas yung episode ng X-Factor kung saan nakita si KZ Tandingan na magperform. Kumanta siya ng Somewhere Over The Rainbow na gamit ay R&B genre. Parang Alicia Keys ang style niya.
At hindi lang yun, kayang kaya niya rin mag-Rap at mag-Scat.
Kaya naman matapos ko mapanuod ang replays, naghanap pa ako ng videos niya. Meron na palang YouTube user na naga-upload ng content na siya ang topic.
Eto ang mga nakalap kong links:
Set Fire to the Rain – Adele Oo – UpDharma Down Waiting in Vain – Bob Marley Price Tag- Jessie JAnlupit nya talaga. Ang galing. Sabi nga sa comments, her genre is Rhythm & All (R & A).
Meron din nagsasabi na upgraded version ni Melai dahil sa itsura at Gladys naman pagdating sa aura. Pero sabi nga niya sa kanyang X-Factor performance, ang Music Industry ay hindi lang para sa magaganda, mga makikinis ang balat at mga biritero.
Talento ang pinag-uusapan dito.
Eto yung viral video niya:
Para sa replays ng X-Factor, click lang DITO.