Sa second floor ng Village Shop sa Laguna BelAir lang meron computer shop. At sa oras na 1540H, kung kelan lalabas na ang mga estudyante, tiyak na mapupuno na naman yun.
Second year High School din ako noon. Parating kaming may runner dahil may runner din ang mga First year. Kung sinong runner ang mauuna sa netshop, sila ang makakapagpa-reservce ng mga PC at sila ang makakapaglaro ng Counter Strike sa hapon na yun.
Wala pa atang Counter Strike nun. Diablo pa nga lang ata ang sikat.
Pero ewan ko ba, hindi ako ang runner ng klase namin. Atsaka dahil nga girlfriend ko noon si Super Ex, wala rin sa isip ko ang makipag-unahan sa computer shop para maglaro ng PC.
Diablo? Parang mas gugustuhin ko pa makasama si Super Ex kesa makipaglaban sa mga demonyo.
Ganun ata talaga noong panahon ng High School namin. Unahan sa Computer Shop para makapag PC lang.
Samantalang ngayon, bawat kanto ng kalsada may computer shop na. Kahit sa Boracay, meron Computer Shop.
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.