Tag Archives: Walang pasok

7 Things To Do pag WALANG PASOK!

Maulan sa Metro Manila. Binabaha na ang iba’t ibang lugar. Kahit na maayos ang drainage, sa dami ng kendi wrappers na tinapon ko sa kalsada last week, sure ako na babara yun at magbabaha pa rin.

Yehey! Nakatulong ako para mabawasan ang karunungan ng kabataan ngayon at pabagalin ang pag-unlad ng bansang Pilipinas.

Anyway, punta na tayo sa topic ng blogpost. Ano ba ang pwedeng gawin ng kabataan Pilipino pag walang pasok sa school?

  1. Solhan Makipaglaro ng chess sa kapatid. Pwede rin naman na Scrabble, Dama, Pardigana, Monopoly, Jengga, at Pusoy Dos. Basta panahon na para ilabas ang mga nakatago na Board Games dahil Bored kayo (wordplay FTW!).
  2. cross-country Ubusin ang mga pagkain. Hindi ko sinasabi na yung mga bagong bili ang dapat ninyo ubusin. Tignan ninyo ang ref ninyo, pati na rin yung mga food cabinet. Hunt for the ones na malapit na mag-expire. Sayang yan. Kainin ninyo yan.
  3. Subukan maghanap ng pera. Sabi ko lang naman, subukan, hindi yung maghanap talaga. Iangat mo ang kama mo, magwalis ka sa ilalim ng mga sofa at lamesa. Halungkatin ang mga drawer at i-check ang mga bulsa ng mga damit. Pag nakakita ka ng pera, good for you. Pag hindi naman, edi matutuwa sayo ang parents mo dahil sure ako na iaayos mo sa linis ang lahat ng hinalungkat mo.
  4. Mag practice kumanta/sumayaw. May hidden talent ka at wag mo tong itago, lalo pa’t malakas ang patak ng ulan at hindi maririnig ng kapitbahay ang sintunado mong boses. Also, kesa matulog ka sa kama, subukan mo mag-ehersisyo gamit ang pagsasayaw.
  5. Mag advanced reading. Pagbalik mo sa klase, sure ako na may maire-recite ka sa titser mo pag tinanong niya sa inyo kung kaninong expedisyon ang tagumpay na nakapasok sa Maynila. Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong na to.
  6. Pagplanuhan ang susunod na getaway. Hindi hadlang ang ulan sa labas para hindi mo ma-enjoy ang mga bakasyon na darating. Tandaan, 4 months na lang at Sembreak na. Kahit kasisimula pa lang ng klase, pero sa dami ng pwede mo maging kaibigan sa school, sure ako na gusto rin nila mag-lakwatsa pag wala nang klase.
  7. Magbasa ng mga blog. Marami kang matututunan sa ibang tao. Dapat lang, alam mo kung saan at paano hahanapin (Google).

Eto ay mga ideya ko lang naman. Bahala ka na kung susundin mo.

Walang Pasok sa PASIG

Sarado daw mga opisina sa Pasig. Akala ko, nagbibiro lang ang pinsan ko na Operations Manager ng Thorlos nun sinabi niya na wala daw sila pasok. Yun pala, totoong merong Pasig Day.

Nakakapagtaka naman talaga ang mga ganito. Akala ko, fiesta lang sa isang lugar pag pista ng kanilang patron. Napaisip tuloy ako, sino ba ang Patron ng Pasig? Meron ba silang Santo? Double Check ko nga to, o baka birthday lang ng kanilang government official.

Pasig City

Pasig City

Mayor Robert “Bobby” Eusebio said the date has been declared a special city-wide holiday under Presidential Proclamation No. 1805 to give way to the 436th Araw ng Pasig (Pasig Day).

Antanda na pala ng Pasig. 436 years in existence na pala siya. Naaalala ko tuloy yung Alamat ng Pasig river. Nagmula daw ito sa words na “Paz Sigue Me” which means “Paz Save Me” or “Paz iligtas mo ako”. Minsan daw kasing may Kastila na nalunod sa ilog at sumisigaw siya ng saklolo sa kanyang kasintahan na Pinay. Hindi ko alam kung nailigtas ang Kastila o hindi, basta ang alam ko, hanggang ngayon e dumadaloy pa rin ang tubig sa ilog.

Para malaman mo ang History ng Pasig, click ka na lang sa link na to: http://www.pasigcity.gov.ph/subpages/about.aspx#page1

FYI: sa Makati po ako nagwo-work. Kelan na nga ba ang Araw ng Makati?