Tag Archives: website

ABS-CBN Website For All

Gusto ko sana mapabilang sa mailing list ng ABS-CBN para sa kanilang mga Press Release, ang kaso, hindi ako mapagbigyan-bigyan. Ewan ko ba pero parang hindi na ata sila naglalabas ng Press Release through email.

E pano ba naman, meron na kasi silang Web site na nilalagyan nila ng mga latest chismis nila. Syempre naman noh, alam na ng buong ka-TV-han at ka-Radio-han na mas malupit pagdating sa chismisan ang mga Pinoy, lalo na yung mga naka-tune in sa Twitter at Facebook.

Well, yun na nga siguro ang dahilan kung bakit wala silang mailing list.

ABS-CBN pr site

ABS-CBN pr site

Kaya naman hinanap ko ang Web site na to. Buti na lang at medyo may mga friends na nagta-trabaho sa ABS-CBN kaya hindi naging mahirap ang misyon ko. Nakalimutan ko na may Google nga pala na ating pwedeng sandalan.

Binigay nila ang link na to:  http://abscbnpr.com/.

Andun na halos lahat. Hindi ko lang trip ang permalinks nila pero ayos na rin. Basta ang importante, pag may bagong kaganapan sa mga palabas nila sa Kapamilya Network, pwede na tayo maki-chismis online.

OK na to, dito ako kukuha ng chismis. Medyo malakas kasi makakuha ng daily hits sa Web site ang Kapamilya shows.

Lalo pa akong gaganahan sa ganito pag nagkaroon ako ng TV sa kwarto ko. Kelan kaya ako makakabili/mananalo ng TV?

Ano Ba Ang Official Website ng GMA-7?

Tanong na naman? Hindi ba pwedeng ma-Google yan?

Dati kasi, magulo ang web presence ng GMA 7. Meron silang iGma.tv para sa entertainment, gmanews.com para sa news, gmakapusofoundation.com at inq7.net. Hindi ko pa sure kung tama ang mga URL na binigay ko. Nalilito ako, at sure ako na confused rin kayo.

Nakakalito talaga di ba?

Dumating na ang panahon para baguhin ito. Pinapadali na nila ang buhay ng mga Kapuso fans. Para hindi na mahirapan, isang URL na lang ang kailangan tandaan: GMANETWORK.COM . O di ba astig?

Sa launch ng website kagabi, naimbitahan kami i-test drive ang website. Although meron pa silang mga bugs at spacing problems, unwanted scroll bars at pop out ads, ok na ang full banner na makikita sa bawat portion ng website.

Pinaka-excited ako sa Community tab. May forums daw doon kung saan pwedeng makipag-interact ang mga Kapuso all around the world. Syempre, moderated ang content para hindi naman magkaroon ng away.

Eto pala screenshot ng website. Click ninyo para maka-visit kayo:

GmaNetwork.Com

GmaNetwork.Com

At least hindi na tayo malilito. Pag sinabing website ng GMA, GMANETWORK.COM.

Salamat sa pagtitiwala, GMA Network, Inc

Christmas Wishlist

Malapit na ang pasko. I am sure nakuha na ng inyong mga naghihikahos na wallet ang inyong mga Christmas Bonus.

Share niyo naman yan.

Bilang mabuting kaibigan, hindi ko na kayo pahihirapan mag-isip kung ano ang gusto ko matanggap sa Pasko. Never pa akong naglabas ng wish list kaya hindi talaga ako marunong.

Buti na lang at meron bilmoko.com. Continue reading