Tag Archives: wikipedia

Wikipedia Will Be Gone

Narinig niyo na ba ang news? Mawawala na daw ang Wikipedia.

Nang minsan akong maka-bisita sa Wikipedia website , nakita ko sa banner nila na may big announcement daw si Jimmy Wales, ang founder ng Wikipedia.

Jimmy Wales

Curious ako kaya napa-click ako sa link.

Eto ang first line ng kanyang announcement:

Google might have close to a million servers. Yahoo has something like 13,000 staff. We have 679 servers and 95 staff.

To make the story short, kailangan nila ng pondo para ipagpatuloy ang ad-free page na labs na labs ng lahat, lalung lalo na yung mga mahihilig sa quick research.

Ayoko mawala ang Wikipedia kaya parang awa niyo na, mag-donate na rin kayo kahit piso.

Gagawa pa nga pala ako ng Wikipedia page ko. Para naman pag may gumawa ng biography ko, madadalian siya sa pagri-research.

Defining Blog ep1

Minsan na akong na-Dare ng Barrio Siete dot com tungkol sa aking pananaw tungkol sa blogging. Dati kasi, ang alam ko lang sa blogging ay ang pagsusulat ng kung ano ang meron tungkol sa iyo. Ito ang pag evolve ng “dear diary,” to “dear blog,” Isang move from pen and paper to keyboard and computer.

Ang hindi ko alam, gaya ng lahat ng bagay na nagbabago, ang blogging ay nag evolve na rin mula sa pagiging personal patungo sa pagiging political, social, at economical. Ngayon mo makikita, at malamang ay mari-research na rin sa internet, ang iba’t ibang klase ng blog. Continue reading