Tag Archives: wishlist

Birthday Wishlist 2014

Na caught off guard ako nung huling nandito sa bahay sina Bong. Paalis kasi sila, papunta sa mall, at tinanong nila kung ano ang gusto ko para sa birthday ko. 9 days to go na lang bago mag Keep Calm pero sa totoo lang, I am not expecting gifts.

Para sa akin kasi, http://thelittersitter.com/th1s_1s_a_4o4.html PRESENCE over Presents.

wishlist 2014

wishlist 2014

Napipilitan tuloy akong mag-isip, or humingi. Yung isang agent ko rin sa office, nagtatanong din sa akin kung anong gusto kong regalo.

Kaya ngayon, gagawa na lang din ako ng Wish list. Sayang naman, baka may extra silang pwedeng i-share sa akin. Tutal, sagot ko na naman lahat sa birthday ko, might as well, kapalan ko na ang mukha ko.

Una, like mo muna to sa FB:

OK, game. WISHLIST Na Tayo:

  1. Stavropol’ Hammock galing sa hammock republic. Like them on FB. 1k lang ata ang isa. Gusto ko ng ganito para kapag pupupunta ako sa beach, pwede akong magsabit na lang ng hammock at dun na matulog. Not particular about the color, pero mas ok pag matingkad na green. https://www.facebook.com/hammockrepublic

    hammock republic

    hammock republic

  2. Extend Pa cake. Yung Rectangle ang size. Ayoko ng Bilog. Ang gusto kong nakasulat sa birthday cake ko, if ever, ay EXTEND PA; dahil masarap mabuhay. Ayoko makakita ng salitang Birthday. Arte lang. Nakita ko lang din ang concept sa FB.
  3. G-Shock. Hindi ako mahilig sa relo, actually. Sira nga ang relo ko ngayon, yung nabili ko lang sa bangketa sa Tutuban night market. Yung relo ko din na galing Aegis, hindi ko makita. Pero kung magkakaroon ako ng relo, G-Shock na. Pwede niyo bilhin kay Ron Rabadon. https://www.facebook.com/ron.rabadon?fref=ts

    G shock

    G shock

  4. Donation para sa Gift In Kind Foundation. Kung ayaw ninyo ako bigyan ng regalo, pwede na sa akin na mag-donate kayo para sa outreach program ng GIKF. We have been doing this for the past 7-8 years na at ang kaunti ninyong tulong ay makakaabot ng ligaya para sa isang buong eskwelahan sa Zambales. https://www.facebook.com/GiftInKind

    GIKF 2013

    GIKF 2013

  5. Sign Up sa TravelFactor.org. Kung ang susunod na trip mo ay sa Travel Factor, automatic na ako ang maga-assist sayo. Sign Up na sa next UBBE Caramoan or CONQUER Pulag.
  6. Tumatanggap din ako ng mga usual na regalo. Small kapag T-Shirt or polo. Medium kapag briefs. Sports socks, shorts, pwede na sakin yun. Pwede rin naman na mga malalaki like DSLR or Flat Screen TV. Ok na din ang mga panyo, sumbrero, shades. Bahala na kayo. Pero ang sabi ko nga, PRESENCE is more important than Presents.

Ayan, Wishlist na yan. Pag may magtatanong pa, dito ko na lang din iri-refer. 9 days to go na lang KeepCalm na. Excited na sila!

Memory Miyerkules S3: Letter To My Angel

Weird to. Promise!

Alam naman ninyo yung letter to Santa di ba? Yung letter na walang laman kundi mga material things na gusto mong makuha sa pasko. Yung sulat na babasahin ng parents mo dahil gusto rin nila malaman yung mga likes and dislikes mo.

angel

Kung baga sa panahon ngayon, WISHLIST.

Bata pa ako noon, sobrang bata. Bata pa mag-isip. Nauuto pa rin. Napansin ko lang na lahat ng letters to santa ko, kinukuha ng nanay ko at sinasabi niya na siya na daw magpapadala sa north pole.

Sa isip isip ko, pwede naman samahan niya na lang ako sa post office at ihulog ang sulat doon. Para na rin hindi niya mabasa na gusto ko ng complete set ng ninja turtle action figures o kaya naman helicopter. Kabisado ko pa ang mga pangalan ng ninje turtles pati mga kalaban nila.

Dahil ayaw ko makita ni mami ang WISHLIST ko, minabuti ko na isulat iyon ng palihim at ilagay sa bintana ko. Yun bang walang makakakuha kundi galing sa labas lang. Nakaharang ang washing machine sa bintana ko kaya kailangan mong lumipad para makuha ang letter.

Letter To My Angel.

Parang WISHLIST din yun, ang kinaibahan lang, iniutos ko sa aking angel ang pagdeliver ng letter sa north pole. Wala kasi ako tiwala sa mami ko.

Nawala ang sulat. At nakuha ko rin naman ang WISHLIST ko, hindi nga lang kumpleto.

Hindi ko na inulit ang kabaliwan na yun ulit.

Christmas Wishlist December 2013

Haaay sa wakas, pwede na ulit ako makapagsulat. May internet connection na ako dito sa bago kong house sa Sto Nino, Cainta. Let’s Go Mayor Nieto!

Kung gusto mo malaman ang speed ng internet connection mo, punta lang sa http://speedtest.net/.

After more than a month without a blogpost, sisimulan ko ang aking Season 3 sa isang Christmas Wishlist. Marami sa atin ang maraming kahilingan sa Pasko; materyal man o hindi. Hindi na ako magpapaka-ipokrito, hindi po ako beauty queen para magsabi na “All I want for Christmas is WORLD PEACE”.

Come to think of it, kaya siguro nagpalit ng pangalan si Ron Artest para pag nagsabi ang mga beauty queen na gusto nila ng WorldPeace, pwedeng siyang magyabang.

Ano ba yan, andami ko na naman sinasabi. Eto na, hindi ko na patatagalin. Eto ang aking WISHLIST for December 2013.

  1. Pumasok sa Top 3 ang Pepis Cola Team for the month of December 2013.
  2. Shoe Rack para kay milabs. Andami nya raw kasing shoes.
  3. Bagong pantalon c/o BNY Jeans.
  4. Mai-mount na sa wall namin ang aming TV.
  5. Double deck na bed para sa house.
  6. Peace of mind sa mga utang.
  7. Worldpeace.

Out of the blue lang ang mga yan. Kung anu-ano lang ang sinulat ko dito matapos kong mag-shower. Nagmamadali kami dahil may binyagan kami na pupuntahan. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko na hindi magsulat.

Maraming salamat po kung mabubuo ko ang wishlist ko. Wag po natin kalimutan na magdasal at magpasalamat.

Amen

100 Days before Christmas 2011

100 days na lang. Excited na ako. Gagawa na ako ng Christmas Wishlist.

  • Bagong Digicam. Yung maaasahan sa oras ng pangangailangan. Tinotopak na yung luma e.
  • Maayos na cellphone line. Amputek na Globe postpaid plan yan, delayed pa rin ang messages ko!
  • Handheld na pwedeng makapag tweet. Pwede na siguro ang phone na may wifi access at twitter interface. Kung wala, iPad na lang.
  • Kwarto na hindi tumutulo ang bubong kapag umuulan.
  • Electric Fan. Yung bago!
  • Bagong wallet. Gusto ko ng wallet na pwedeng lagyan ng pictures.

Kayo ba? May wishlist na ba kayo para ngayong pasko?! Gawa na kayo, nagsu-surf na si Santa Clause ng mga website ng mga mababait na bata.