Tag Archives: wreck it ralph

Movie Review: Wreck It Ralph

presented by Disney

This, I can definitely say, is the Digital Game version of Toy Story. Andun lahat ng elements. Mas gusto ko nga lang ito dahil online gamer ako at hindi ako mahilig sa stuff toys.

Wreck It Ralph

Wreck It Ralph

It is about a villain in a video game who wished he will be rewarded just like what good guys receive. Oo nga naman, parati na lang may medals, coins, at chicks ang good guy at walang natitira sa mga kalaban kundi basag na ngipin at sira-sirang castles.

Pati mga alagad ng bad guys, gulpi sarado sa kadala’y iisang good guy o minsan naman na may ka-partner.

Nasabi ko na ba na good guys lang ang may karapatan sa mga chicks?

Video Games Involved.

Let’s see, yung Wreck It Ralph, nakita ko na sa iPad ata yun o isang Samsung device na nilalaro ni Ria, isa pang blogger. Nakakatuwa yung game. Gamit ang magic hammer ni Fix It Felix, aayusin mo lang ang mga bintana sa building na sinisira naman ni Wreck It Ralph. Try ninyo bilhin sa appstore ninyo.

Yung Sugar Rush naman, parang pina-kwela at pinatamis na Mario Kart. Parang mga sasayaw na cartoons ang mga avatar na gagamitin mo at magka-karera kayo sa lupain na maraming candies. San ba may ganun? Pag hindi ako nakakita, babalik na lang ako sa Daytona.

Yung Hero’s Duty, medyo Starship Troopers naman ang dating. 4 player game ata yun. Ang pinakasikat na version nun sa ngayon ay Time Crisis. Gusto ko rin maglaro ng ganun. Saan kaya meron? Wala sa Timezone sa Glorietta e.

Andun rin ang sikat na Street Fighter, Diner Dash, at kung anu-ano pa. Look out for SONIC. May cameo siya sa movie.

What Ifs.

Marami akong what if sa movie. Mga naisip ko lang.

WHAT IF hindi Wreck It Ralph ang pangalan ng movie, mas madali siguro bigyan ng sequel.

WHAT IF hindi CGI yung mga tao sa labas ng video games. Para mas realistic. Kaso hindi na siya magmumukhang pang-bagets.

WHAT IF mas marami pang cameo apperances ang mga sikat na video game characters. Nandun na yung exclamation point ng Metal Gear pero hind naman nagpakita si Solid Snake.

WHAT IF may maganda akong phone ngayon. Naglalaro na siguro ako ng Wreck It Ralph aka Fix It Felix na game.

Favorite Character of the movie.

Si Fix It Felix ang paborito kong character sa movie. Soldier of Love kasi siya. GO FIX IT!

Fix It Felix

Fix It Felix

 

Memory Miyerkules S2: Disaster

born April 16, 1990.

May kapatid ba kayo na mas bata sa inyo? Hindi naman sobrang kulit, pero yung sobrang curious sa composition ng mga bagay at sa detalye ng mga gamit? Ganyan kasi yung mas bata kong kapatid.

Pero mas malaki siya sakin. Promise. Mas mabigat pa.

Mukha nga akong bunso sa pamilya e.

Isang araw ng bakasyon, ako ay grade 1 ata noon at siya naman ay 4 years old, naglalaro ako ng LEGO at gumagawa ako ng robot. Idol ko kasi noon ang Maskman at Bioman. May mga robot sila na malalaki at gusto ko rin ng ganoon.

Pero dahil mga 1 foot tall lang din ang dinosaur ko na laruan, kasinlaki lang din ng kalaban dapat ang robot ko. May standard size kasi ang mga ganyan. Ayon sa napapanuod ko, hindi pwedeng mas malaki ang kalaban kesa sa bida. Hindi rin pwede na overpowering naman ang bida kumpara sa mga pinapalaki ni Oke-Rampa na mga halimaw. Dapat sakto lang.

Sabi kasi yun ng Toei.

So ayan na, mabubuo ko na ang robot ko. Marami rin kulay ang robot kagaya ng napapanood ko noon sa ABC-5 or IBC 13. Hindi ko na sure kung anong channel. Ahahaha.

Ang kaso, umalis lang ako sandali para umihi sa CR. Hobby ng bawat tao na umihi sa CR. Hobby ng bawat bata na umihi sa salawal, kaya hanggang ngayon e mataas pa rin ang sales ng mga diapers.

Sabay naman sa pagsalisi ng aking nakababatang kapatid na ang pangalan ay Choy. Yun ang nickname niya dahil hindi siya payat sa majority ng buhay niya. Lately na lang siya nagpaka-slim.

Sinimulan niya ang wrecking squad. Di ko alam kung dahil yun sa mga kulay na ayaw niyang nakikita na magkadikit o feeling lang niya e pagkain ang LEGO at alam niya na hindi kasya sa bibig niya ang 1 foot tall na robot.

Basta pagbalik ko, back to start ako sa pagbuo ng robot, kasabay ng tugtog ng opening theme ng Maskman.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking